Kathryn sa mga kabataan: Wag sayangin ang boto n'yo sa Lunes! | Bandera

Kathryn sa mga kabataan: Wag sayangin ang boto n’yo sa Lunes!

Ervin Santiago |May 05,2016
facebook
share this

Kathryn sa mga kabataan: Wag sayangin ang boto n’yo sa Lunes!

Ervin Santiago - May 05, 2016 - 02:00 AM

Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo

PRESENT din sa “Artists For Mar” event last Tuesday ang isa sa pambatong loveteam ng ABS-CBN na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nagsabing kaya nilang panindigan ang pag-endorso sa dating DILG secretary.

Ayon kay Daniel pinag-aralan niyang mabuti ang kanyang desisyon sa pagkampanya kay Mar at hindi raw siya tataya sa isang kandidato kung alam niyang mapapahiya siya.

Paalala naman ni Kathryn sa mga botante, “Ilang araw na lang eleksyon na. Sana yung mga tao talaga, yun ang sinasabi namin parati, kilalanin niyo yung mga tatakbo at pag-isipan. Kasi, bawat boto, magka-count talaga ‘yan.”

Dugtong pa ng Kapamilya young actress, “Huwag nating sayangin ang chance na yun. And nandito kami kasi habang paiksi nang paiksi yung panahon, mas nag-e-effort talaga kami ma-spread kung sino yung sinusuportahan namin at kaya naming makipaglaban for him.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending