Jason, Melai patatawarin ang Duterte fan na nambastos sa anak pero tuloy ang demanda | Bandera

Jason, Melai patatawarin ang Duterte fan na nambastos sa anak pero tuloy ang demanda

Ervin Santiago |May 05,2016
facebook
share this

Jason, Melai patatawarin ang Duterte fan na nambastos sa anak pero tuloy ang demanda

Ervin Santiago - May 05, 2016 - 02:00 AM

melai hontiveros

NAKORNER namin ang mister ni Melai Cantiveros na si Jason Francisco sa “Artists For Mar Roxas” presscon kamakalawa, tinanong agad namin siya tungkol sa pambabastos at panlalait ng isang netizen sa kanilang anak na si Mela.

Itutuloy pala nilang mag-asawa ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa nasabing basher, sabi ni Jason mukhang desidido raw ang misis niyang si Melai na turuan ng leksiyon ang babaeng nagsabing sana’y ma-rape raw ang anak nilang si Mela.

Kung matatandaan kung anu-anong masasakit na salita ang ipinost ng isang Shawie Constantino Enriquez sa kanyang Facebook account laban kay Melai at kay Mela dahil ang sinusuportahan nitong presidential candidate ay si dating DILG Sec. Mar Roxas. Isang Rodrigro Duterte fan ang nasabing basher. Ang depensa ngayon nito ay na-hack daw ang kanyang FB account at nagso-sorry siya sa pamilya ni Melai sa mga nangyari. Pero sabi ni Jason, hindi pa sila nag-uusap ni Melai kung ano ang susunod nilang hakbang.

“Kasi nakapagsalita siya nang masama, pero hindi naman kasi siya nanakit (ng pisikal, kaya lang nanakit siya ng damdamin,” ani Jason. “Ang gusto lang ni Melai, hindi na maulit ‘yung ganu’n. Hindi pa po natin alam kung ano ang puwedeng mangyari kasi siguro mag-usap sila in person. Puwede namang hindi matuloy, e. Kaya lang, ang gusto po kasi, mas makita ng tao kung gaano kahalaga yung anti-bullying, tsaka yung pagsasalita ng mga ganu’n.”

Hirit pa ng komedyante, “At least yung tao, nakikita po siya, hindi siya isasantabi lang. Siguro ito, parang lesson na sa iba, hindi yun talaga maganda talaga.” “Pero kung patatawarin po, open po, kasi kawawa din naman. Alam mo naman, tao nagkakamali talaga, so kailangan ng second chance talaga,” dagdag pa ni Jason.

“Sabi nga ng asawa ko, okay lang naman, siyempre iba-iba naman tayo ng tingin sa tao. Kaya lang, nilait ang hitsura ni Melai. Ako siyempre nasaktan. Basta sabi ko sa kanya susuportahan ko kung ano ang desisuon niya,” sey ng comedian.

Speaking of Mar Roxas, nakakatuwa si Jason dahil kapag nakausap mo siya ng seryosohan ay malalim din pala ang pinaghuhugutan nito. Marami siyang sinabi sa aming rason kung bakit ang mister ni Korina Sanchez ang kanyang inendorso at iboboto sa May 9. Pero ang talagang tumatak sa amin ay ang sinabi niyang, “Alam niya kasi kung saan dadalhin ang milyun-milyong Pilipino, bukod pa sa tuwid na daan.

“Tsaka kay Kuya Mar, latag na latag ang mga priority niya para sa mga mamamayan, lalo na para sa mga mahihirap. Gusto rin namin siya ni Melai dahil hindi siya magnanakaw. Yun ang pinakamahalaga sa amin,” sey pa ni Jason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending