Ritz walang arte, handang maghubad para sa bagong teleserye ng ABS-CBN | Bandera

Ritz walang arte, handang maghubad para sa bagong teleserye ng ABS-CBN

Reggee Bonoan |May 05,2016
facebook
share this

Ritz walang arte, handang maghubad para sa bagong teleserye ng ABS-CBN

Reggee Bonoan - May 05, 2016 - 02:00 AM

 

Ritz Azul

Ritz Azul

WALA pang isang buwan si Ritz Azul ABS-CBN bilang Kapamilya ay heto’t may sariling teleserye na kaagad siya kasama sina Ejay Falcon at Paulo Avelino.

The Promise Of Forever ang titulo ng soap drama ni Ritz handog ng Dreamscape Entertaimment mula sa direksyon nina Darnel Joy Villaflor ng seryeng Nathaniel at Hannah Espia ng pelikulang “Transit” (2013) at “Midlife” (2016). Naikuwento ng dalaga kung paano nagsimula ang offer sa kanya ng Dreamscape, “After nu’ng contract signing po with ABS-CBN nasabi po na I’ll be guesting in Ang Probinsyano. After that sinabi na po itong Promise of Forever teleserye.

“So feeling blessed ako, kasi kapapasok ko pa lang sa Kapamilya nakasama na ako kaagad sa teleserye. Nu’ng sinabi naman kaagad sa akin ang story, ang ganda at bago. “At saka isa itong oportunidad sa akin na maipakita ko naman sa ABS na karapat-dapat akong maging Kapamilya. So isang challenge ito for me,” esplika ni Ritz.

Natupad ang isa pang pangarap ng dalaga na makatrabaho si Paulo Avelino, nauna na niyang nakasama si Coco Martin nang mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano na matagal na rin niyang gustong maka-work. Sabi nga ni Ritz tungkol kay Paulo, “Shocks, katabi ko pa siya ngayon! Ha-hahaha! So ‘yun, kinikilig ako. Masayang-masaya po ako, thank you Dreamscape, thank you talaga,” masayang sabi ng dating TV5 artist.

Kaya raw gustung-gusto niyang makatrabaho sina Coco at Paulo ay dahil, “Unang-una ang daming awards, ang gagaling. Gusto ko rin po talagang maging magaling ding artista at naniniwala po ako na kapag nakatrabaho ko sila, marami akong matutunan from them.” Ang kuwento ng The Promise of Forever ay tungkol sa mga taong umibig at nasaktan at nangakong iibig ulit at hahanapin kung ano ang mayroon sa forever pagkatapos niyang masaktan.

Gagampanan ni Ejay ang karakater ni Philip na kababata ni Ritz bilang si Sophia, noon pa ay mahal na na niya ang dalaga pero dedma sa kanya ito dahil iba ang kanyang prayoridad sa buhay. Pero ang binata naman ang sandigan ng huli kapag problemado sa lahat ng bagay.

Sabi naman ni Ritz si Sophia ay lumaking masayahin pero takot nang magmahal uli dahil naranasan na ang mabigo sa pag-ibig, “Parang totoong buhay lang, kasi natatakot,” biro ng dalaga. Nang matanong kung handa ba siyang magpa-sexy sa bago niyang serye, “I think naman kasi yung pagpapakita ng skin, depende sa kailangan. Sa akin naman, kaya ko ring magpakita ng skin pero hindi naman siguro yung pakita na walang dahilan.”

Aminado naman si Ritz na kinakabahan siya sa bago niyang proyekto sa ABS, “Of course, pressured ako na mapatunayan ko yung sarili ko. And working with Paulo and Ejay, mababait naman sila, wala naman akong masasabi. Tingin ko mas magiging magaan yung trabaho namin.”

Anong paghahanda ang ginagawa niya para rito? “Hindi pa po ako nagwo-workshop for this. Pero sa Probinsyano, noong isinalang ako, feeling ko na rin workshop kasi ang gagaling ng mga directors namin, Direk Malu Sevilla, Direk Toto Natividad, Direk Avel Sunpongco. Sa start ko pa lang, feeling ko nagkaroon na ako ng experience sa acting dito sa ABS-CBN.”

Nagkasama raw sa trabaho sa isang cruise ang mga karakter nina Ejay at Ritz at dito rin nakilala ng huli ang karakter ni Paulo na gaganap na Lawrence na gagawin ang lahat para sa pag-ibig. May matindi raw twist sa love triangle na ito kaya yan ang aabangan ng manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mediterranean cruise daw ang shooting ng tatlong bida pero hindi muna binanggit kung anu-anong bansa sila pupunta pero ayon kay direk Darnel ay sa Eastern Europe ang tungo ng production na ang mga nakapalibot ay ang mga bansang Greece at Croatia at base rin sa na-Google namin, kabilang din dito ang Czech Republic, Poland, Hungary, Romania, Moldova, Lithuania, Latvia, Estonia, Slovenia, Slovakia, Bulgaria, Ukraine, Belarus, Serbia, Montenegro, Bosnia, Herzegovina, Albania, Kosovo at Macedonia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending