Shaina 5 taon nang loveless; ayaw magka-BF ng politiko? | Bandera

Shaina 5 taon nang loveless; ayaw magka-BF ng politiko?

Ervin Santiago |May 04,2016
facebook
share this

Shaina 5 taon nang loveless; ayaw magka-BF ng politiko?

Ervin Santiago - May 04, 2016 - 05:27 PM

“WALA sa pangarap ko yun pero if ever man I would fall in love with a person because of how he is not because he is a whatever,” ang chika ni Shaina Magdayao nang tanungin kung posible ba siyang main-love sa isang politiko.

And speaking of love,  five years nang walang dyowa si Shaina, her last pa was John Lloyd Cruz.

Sa grand presscon naman ng “My Candidate” last Tuesday, sinabi ng dalaga na waiting lang siya for the right guy.
Aniya, “Showbiz man o hindi, okey lang, basta mabait. And siguro dapat may takot sa Diyos. Wala nang kailangan ganito, kailangan ganyan. Hopefully, siya na yun, kung sino man ang susunod.
“Kaya I’m really willing to wait, kasi if he’s worth the wait, why not, di ba? And I know he’s worth the wait. So, let’s just wait,” chika pa ng Kapamilya actress.

Ibang level ng acting
Samantala, ibang level ng acting ang ginawa nina Shaina at Derek para sa “My Candidate” Sobrang na-enjoy daw nila ang kanilang mga karakter sa movie bilang sina Sonny Suarez (Derek) at Billie Ponoy (Shaina).
Umiikot ang istorya ng movie kung paano tutulungan ni Billie na isang communications trainer at life coach si Sonny Suarez na tumatakbong senador para mawala ang stage fright nito sa pagharap sa maraming tao. Pero ang twist nito, ang life coach na si Billie ay problemado rin pala sa kanyang personal na buhay.
Sobrang kulay din ng background ng karakter ni Shaina as Billie, dahil bago siya naging life coach ay isa pala siyang drug addict at lasengga with matching tattooo pa. May eksena pa nga na kailangan niyang maging “high na high” sa isang eksena na talagang challenging for her.
“Expose ako sa life, pero in a way sheltered ako kasi never ako lumaki na nakakita ako ng isang drug addict na high sa harap ko. May scene ako du’n na ipapasok na ako sa rehab. So sabi ko, ‘Direk paano ba to? Can you show me?’ tapos may mga videos siyang pinakita sa akin,” kuwento pa ni Shaina. Kaabang-abang din ang pagra-rap ng dalaga sa movie na first time rin niyang ginawa.
Ayon naman kay Derek kinailangan daw magpatubo siya ng buhok para sa kanyang role, “Yes, and I hate it! Ha-hahaha! Direk didn’t ask me to grow it, I just thought I needed to. So I grew it out so…I hate it. Mas mahaba pa nga nu’ng nagsu-shooting kami.”
Nagugulat na nga lang daw siya minsan kapag humaharap siya sa salamin dahil hindi niya halos makilala ang sarili niya with makapal na buhok. Bukod dito, napasayaw din daw siya ni direk Quark ng hiphop sa movie at pinakanta pa ng “Laklak”, “I just did it for direk Quark.”
Bukod kina Derek at Shaina, makakasama rin sa movie sina Iza Calzado, Ketchup Eusebio, Nico Antonio, Tirso Cruz III, Al Tantay, Ricci Chan with Christine Babao. This is produced by Quantum Films, Buchi Boy Films, Tuko and MJM Productions at showing na nationwide sa May 11.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending