Daniel sa mga nagmamarunong na hindi naman botante: Shut up ka lang! | Bandera

Daniel sa mga nagmamarunong na hindi naman botante: Shut up ka lang!

Ervin Santiago |May 04,2016
facebook
share this

Daniel sa mga nagmamarunong na hindi naman botante: Shut up ka lang!

Ervin Santiago - May 04, 2016 - 04:02 PM

DANIEL PADILLA  AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

PRESENT din sa “Artists For Mar” event ang isa sa pambatong loveteam ng ABS-CBN na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nagsabing kaya nilang panindigan ang pag-endorso sa dating DILG secretary.
Ayon kay Daniel pinag-aralan niyang mabuti ang kanyang desisyon sa pagkampanya kay Mar at hindi raw siya tataya sa isang kandidato kung alam niyang mapapahiya siya. Ayaw na rin daw niyang patulan ang mga naglabasang balita na milyun-milyon ang ibinayad sa kanya ng kampo ni Mar kapalit ng kanyang pag-endorso rito.

“Siguro sa lahat ng mga boboto ngayon, lahat tayo may opinyon, siyempre hindi pare-pareho kung paano tayo mag-isip, pero bago tayo mag-act o sabihin, make sure natin na alam natin yung sinasabi natin.
“Huwag din tayong masyadong matapang. Make sure alam din natin at kaya nating i-back up yung sinasabi natin. Hindi naman tayo puwedeng salita nang salita and di mo naman alam ang nangyayari sa eleksyon.
“Marami kasing nagmamagaling sa eleksyon, hindi naman botante, di ba? So, shut up ka, hindi ka naman botante,” sey pa ng aktor.
Isa pang itinanong ng press kay Daniel Padilla ay ang hindi nila pagkakasundo ng amag si Rommel Padilla at ng kanyang tiyuhing si Robin Padilla na kilalang mga tagasuporta ni Rodrigo Duterte.
“Oo, yun nga. Sabi ko, iba-iba nga ang opinyon ng bawat tao, so ang hirap din kasi. Pero ise-set aside mo yung pamilya sa pulitika, dahil mahirap. Pero dapat nasa lugar din kayo at irespeto ang bawat desisyon. Huwag kayong nagkakatapakan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending