Abu Sayyaf na namugot sa isang Canadian, binantaan din na papatayin si PNoy | Bandera

Abu Sayyaf na namugot sa isang Canadian, binantaan din na papatayin si PNoy

|May 04,2016
facebook
share this

Abu Sayyaf na namugot sa isang Canadian, binantaan din na papatayin si PNoy

- May 04, 2016 - 03:46 PM

abu-sayyaf (1)
NAGBANTA ang mga bandidong Abu Sayyaf, na naunang namugot sa bihag na Canadian national na papatayin din si Pangulong Aquino.
Sa 52-segundong video kaugnay ng pagpugot sa Canadian na si John Ridsdel na viral ngayon, nagsalita pa ang isang miyembro ng Abu Sayyaf at nagbigay ng mensahe kay Aquino.
“Noynoy Aquino, tignan mo kung hindi mo binibigay ‘yung ransom namin, puputulan ko ng ulo ‘yung Canadian. Pati ikaw kung mahuli kita puputulan din kita,” sabi ng lalaki sa video.

Napost ang video sa www.zerocensorship.com.
Isinigaw pa ng Abu Sayyaf ang mga salitang “Allah Hu Akbar” habang pinupugutan si Ridsdel, na sumisigaw dahil sa sakit, kung saan kutsilyo ang ginamit na pampugot sa biktima.
Nananatili namang bihag ng Abu Sayyaf ang isa pang Canadian na si Robert Hall, Norweigian na si Kjartan Sekkingstad at Pinay na si Maritess Flor.
Nauna nang ibinuyag ni Aquino ang umano’y planong pagdukot ng Abu Sayyaf sa bunsong kapatid na si Kris at pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending