Kailan magkaka-girlfriend? (2) | Bandera

Kailan magkaka-girlfriend? (2)

Joseph Greenfield |May 04,2016
facebook
share this

Kailan magkaka-girlfriend? (2)

Joseph Greenfield - May 04, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jacob ng San Roque, Bombon, Camarines Sur
Problema:
1. Ako ay 27-years-old na pero hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend kahit minsan. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend. At nais ko ring malaman kung ang nililigawan ko na kayang babae ang magiging first girlfriend ko? Ang babaeng ito ay isinilang noong July 11, 1991 at nagtatrabaho sa isang restaurant.
2. Nagta-trabaho rin ako sa nasabing restaurant at lagi kaming magkasama. November 16, 1988 naman ang birthday ko. Magiging girlfriend ko kaya ang babaeng ito? Magkakatuluyan kaya kami?
Umaasa,
Jacob ng Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang babaeng nililigawan mo ang nagsasabing compatible kayo dahil ang Scorpio at Cancer ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong tubig o water.
Numerology:
Sa aspetong pang-Numerology ay halos ganoon din, tugma rin kayo. Ang birth date mong 16 at 11 naman ang nililigawan mo ay kapwa nasasakpuan ng planetang Moon-Neptune. Ibig sabihin, magkasundo talaga kayo. Kaya konting ligaw pa at pagtitiyaga dahil tiyak ang magaganap— sa taon ding ito ng 2016 bago sumapit ang Pasko— magiging girlfriend mo na ang babaeng nililigawan mo.
Luscher Color Test:
Upang madali kayong magkahulugan ng loob ng nililigawan mo, lagi kang masuot ng damit na kulay berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang magdadala ng suwerte at magandang kapalaran habang patuloy kayong nagmamahal ng nililigawan mong babae na magiging girlfriend mo sa malapit na hinaharap.
Huling payo at paalala:
Jacob, ayon sa iyong kapalaran, basta’t magtiyaga-tiyaga ka lang ng panunuyo sa babaing nililigawan mo sa kasalukuyan, dahil buwan na lang ang binibilang, kung hindi sa Oktubre, tiyak na sa Nobyembre o kaya’y Disyembre, sa edad mong 28 pataas, ay magiging girlfriend mo na rin sa wakas ang babaeng nililigawan mo. Pagsapit naman ng taong 2019, sa edad mong 29 pataas, ang nasabing babae ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabangbuhay na pagpapaamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending