Horoscope, May 04, 2016 | Bandera

Horoscope, May 04, 2016

Madam Sophia |May 04,2016
facebook
share this

Horoscope, May 04, 2016

Madam Sophia - May 04, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unti-unting namamayani sa kalangitan ang signos ng Taurus kasabay ng maulap na kalangitan. Lumabas ka ng bahay. May magandang kapalarang mapapakinabangan. Bukod sa nakakikilig na romansa, malaking halaga ng salapi ang makukubra mula sa isang pagtitipon. Mapalad ang 1, 6, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 9, 21, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Khangaya-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Huwag ma-guilty sa mga bagay na hindi natapos gawin. Sabihin sa sarili, “Yan lang ang nakayanan!” Sa pag-ibig, kung laging nagre-request ng kung ano-ano ang kasuyo, ipaliwanag sa kanyang, hindi mo yon kayang ibigay. Mapalad ang 6, 15, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Pink at gold ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Kung hindi ka magbabago ngayon, kailan pa? Baguhin ang estilo sa pagta-trabaho, dagdag na sipag ang dapat. Sa pag-ibig, baguhin ang estilo ng pakikipagromansahan upang hindi ka palitan ng kasuyong mahilig. Mapalad ang 5, 8, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa linggo ito ay maraming salapi ang pawawalan ng tadhana, kailangang may masapo ka. Laging maglalabas ng bahay. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-date sa kasuyong Capricorn. Mapalad ang 8, 14, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magiging masaya ang araw ngayon kung magpapatuloy ang magandang panahon. Ang mga Leo ay naka-depende sa sikat ng araw. Kapag lalo pang uminit ang panahon, tuloy-tuloy na ring uunlad at lalong magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Orange at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Sa pag-ibig, nasa iyo ang initiative upang muling uminit ang pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Madaragdagan ang iyong gastusin dahil malapit na naman ang pasukan. Kailangang magtipid. Sa pag-ibig, ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at apple green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Magkakaroon ka ng malaking halaga ng salapi mula sa isang grupo ng mga politikong pulpol. Tanggapin ang kanilang inaalok, sayang ang grasya. Sa pag-ibig, wag nang pansinin ang kasuyong makulit, gusto ka lang niyang maisahan. Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sahatsha-Sarva-Om.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kailangan mong sumikat at makisalamuha sa lipunan sapagkat iyan ang iyong tadhana. Sa linggong ito ay maki-join sa mga gawaing may kaugnayan sa mga religious at political activities. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Aries. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Red at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang sumeksi kang muli iwasan ang pagkahilig sa pagkain. Mentras maganda kang tingnan mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, iwasang maging chubby upang hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Secundus-Nulli-Om.” Black at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, noon ka pa sana – mayaman ka na! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Kapag nahawi na ang mga problema, may mas malaking halaga ng salaping makukuha. Sa pag-ibig, habang umiinit ang panahon lalo namang iinit ang pagmamahalang hatid ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending