Ritz Azul gagawin lahat sa bagong serye ng ABS-CBN | Bandera

Ritz Azul gagawin lahat sa bagong serye ng ABS-CBN

Ervin Santiago |May 04,2016
facebook
share this

Ritz Azul gagawin lahat sa bagong serye ng ABS-CBN

Ervin Santiago - May 04, 2016 - 02:00 AM

Ejay Falcon, Ritz Azul at Paulo Avelino

Ejay Falcon, Ritz Azul at Paulo Avelino

SAMANTALA, triple naman ang excitement ang nararamdaman ni Ritz Azul sa pagbibida niya sa The Promise Of Forever with Paulo and Ejay. Promise niya, mas lalo niyang gagalingan ang kanyang akting para hindi mapahiya sa Dreamscape.

“Siyempre feeling blessed ako kasi kakapasok ko lang as a Kapamilya nakasama na ako agad sa isang teleserye. So, nu’ng sinabi naman sa akin ‘yong story talagang maganda at bago,” anang dalaga. Dagdag pa niya, “Isa itong oportunidad sa akin na mapakita ko naman sa ABS na talagang karapat-dapat naman akong maging Kapamilya. So, handa ko pong gawin ang lahat.”

Ayon naman kay Ejay, medyo mapapahinga muna siya sa mabibigat na teleserye dahil medyo light romance lang ito. Pero aniya, challenging pa rin ang role niya sa serye kaya bagong putahe na naman ito para sa kanyang mga tagasuporta. Ang The Promise Of Forever ay sa direksiyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending