Hugot ni John Lloyd: Wala naman pong manloloko kung walang magpapaloko! | Bandera

Hugot ni John Lloyd: Wala naman pong manloloko kung walang magpapaloko!

Ervin Santiago |May 04,2016
facebook
share this

Hugot ni John Lloyd: Wala naman pong manloloko kung walang magpapaloko!

Ervin Santiago - May 04, 2016 - 02:00 AM

John Lloyd Cruz

John Lloyd Cruz

POSITIBO si John Lloyd Cruz na magugustuhan at mai-in love rin ang mga manonood sa movie nila ni Jennylyn Mercado na “Just The 3 Of Us” showing today sa mga sinehan nationwide.

Ayon kay Lloydie, naniniwala siya na lalabas ang mga moviegoers sa mga sinehan na magaan ang pakiramdam – pa-good vibes lang kumbaga. At sinisiguro niya na hindi masasayang ang ibabayad ng mga manonood sa kanilang pelikula.

Anyway, napanood namin ang guesting ng aktor sa Magandang Buhay kamakailan, at dito nga nahingan ng advice si Lloydie tungkol sa mga taong hindi pa rin maka-move on sa kanilang mga ex-dyowa, pati na rin sa mga biktima ng panloloko ng kanilang mga partner.

“Alam niyo wala namang manloloko kung walang nagpapaloko. Maraming mga taong angal ng angal, kahit ‘di sa pag-ibig, sa ibang bagay. Inis na inis tayo, reklamo tayo ng reklamo. Huwag kang magpaloko, nasa atin din naman yon,” chika ng binata.

Dagdag pa ni John Lloyd, nasa tao naman daw ‘yan, at siya lang din ang nakakaalam kung ano ang dapat para sa kanya – walang pwedeng magdikta, “Kasi at the end of the day, ang tanong pa rin diyan, masaya ka ba? May nasaktan ka ba o may nasagasaan ka ba sa mga desisyon mo?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending