Kilalang hunk actor puro sosyalera at mayayaman lang ang nagiging dyowa | Bandera

Kilalang hunk actor puro sosyalera at mayayaman lang ang nagiging dyowa

Cristy Fermin |May 04,2016
facebook
share this

Kilalang hunk actor puro sosyalera at mayayaman lang ang nagiging dyowa

Cristy Fermin - May 04, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM MALE 0504

KUNG bakit naman kasi nu’ng minsang magkape-kape ang ilang taga-showbiz habang malakas ang ulan ay napagtuunan sa kanilang kuwentuhan ang isang hunk actor.

Binalikan nila ang mga nakaraang pakikipagrelasyon ng hunk actor, marami na siyang naging karelasyon, karamihan sa mga naging girlfriend niya ay miyembro ng alta-sosyedad.
May ilang artista, pero karamihan ay mga anak-mayaman na, ‘yun ang pinagpistahan ng grupong panay ang higop ng kape habang malakas ang ulan sa labas ng bar.

Sabi ng isang nasa umpukan, “Oo nga, ano? Napansin ko nga, puro mga anak-mayaman ang mga nakakarelasyon ni ____ (pangalan ng hunk actor na busy pa rin naman sa pagtatrabaho ngayon). Talaga lang, ha?

“Talagang puro kilalang pangalan sa alta-sosyedad ang mga nagiging girlfriend niya! Bakit kaya? Pinipili kaya talaga niya ‘yun o nagkakataon lang?” tanong ng isa sa mga nandu’n. Nagbalik-alaala ang isang nasa umpukan, totoo nga, puro mayayaman ang nakakarelasyon ng hunk actor na ang dating sa marami ay palaging umiiwas sa mga interview.

“Hindi naman ‘yun nakapagdududa, puwede naman kasing nagmamahalan sila ng girl, di ba? Nakakapagtaka lang kung bakit palaging ganu’n, mga anak-mayaman ang nakakarelasyon niya. “Ang tanong ko rin, nagkakataon lang kaya ‘yun o talagang naghahanap siya ng mga girls na makapal ang bulsa? Nakakapagtaka kasi, e!” pagsang-ayon ng source sa kanyang katabi.

Huling sultada ng aming impormante, “Naku, kapatid na Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sinex ang hunk actor na ito. Hindi mo na kailangan pang mag-gym at magbawas ng lafang para lang mahulaan mo kung sino siya!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending