Sunshine kay Cesar: Nanggigigil ako dahil alam naman niya ang totoo!!! | Bandera

Sunshine kay Cesar: Nanggigigil ako dahil alam naman niya ang totoo!!!

Julie Bonifacio |May 04,2016
facebook
share this

Sunshine kay Cesar: Nanggigigil ako dahil alam naman niya ang totoo!!!

Julie Bonifacio - May 04, 2016 - 02:00 AM

Cesar Montano at Sunshine Cruz

Cesar Montano at Sunshine Cruz

PINAGPISTAHAN sa social media ang ipinost na larawan ni Cesar Montano hawak ang mga tsekeng ipambabayad niya para sa tuition fee sa pasukan ng tatlo nilang anak na babae ni Sunshine Cruz. May positive comments but at the same time, may negatibong reaksyon din ang netizens sa IG post ng aktor.

Sakto naman at nagkaroon kami ng chance na makausap ang estranged wife ni Cesar na si Sunshine pagkatapos ng event niya for Dolce Amore sa Luneta last Sunday. Doon ay nakunan namin ng ilang pahayag si Sunshine. “Hangga’t maaari ayaw ko nang i-entertain kung ano ‘yung mga sinabi niya kasi mas focused ako sa mga bata at saka sa annulment namin. At saka kung paano ako makakaipon ng pera para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang mga anak ko,” pahayag ni Sunshine.

Although, hindi naman itinanggi ni Sunshine na kahit paano ay naaapektuhan siya sa ginawa ni Cesar, “Tao ako, e. Nanggigigil ako kasi alam kong alam niya ang totoo. Hindi naman ako ang nag-utos, korte. Huwag ganu’n. Focus na lang siya sa iba,” pakiusap ni Sunshine.

Ilan sa mga nag-post ng comment sa ipinost ni Cesar ang nagsabi na turn-off sila sa ginawa ng aktor dahil halatang ginagamit lang niya ang mga anak nila ni Sunshine dahil sa partylist na kinakampanya niya ngayong eleksyon. “Alam mo hindi na lang ‘yung gamit, e. Nasasaktan, so, tama na,” sabi pa ng aktres. Ang mas nasasaktan daw ay ang mga anak nila na sina Angelina, Samantha at Francheska.

“Siyempre, ang dami ring mga nagtatanong sa kanila bakit ipinakita pa nu’ng tatay ‘yung tseke pambayad sa school. So, parang siguro dahil obviously he doesn’t have that respect to the mom of his children, siguro sa mga anak na lang niya, ‘di ba? ‘Yun na lang sa akin,” sabi pa ni Sunshine sa amin. Bukod diyan, wala na raw siyang masasabi pa sa ginawa ni Cesar. Basta happy si Sunshine dahil meron siyang trabaho. God has been very good to her dahil tuluy-tuloy ang work niya.

“Magti-three years pa lang akong bumalik panglimang teleserye ko na ‘to. So parang, ano pa bang hihilingin ko? Basta hindi lang mawalan ng trabaho. Hindi naman ako naghahanap ng sobra-sobra. Mabuhay ko lang ng maginhawa at kumportable ang mga anak ko, okey na ako,” diin pa niya.

Sapat na sa kanya na mapakain ang mga anak sa mga restaurants na gusto nila, mabili niya ang mga damit at sapatos na kailangan nila dahil alam niya na-deserve nila ang lahat ng ito. Turning grade nine na si Angelina, Grade 6 si Sam at Grade 5 naman si Francheska sa La Salle Alabang ngayong pasukan. Hindi naman itinanggi ni Sunshine na may mga nanliligaw sa kanya ngayon.

“Merong nanliligaw sa kung sa manliligaw. Ano naman, e, maliwanag at alam naman ng mga tao that I’ve been separated for three years now. Pero sa totoo lang, wala ang focus ko sa mga lalaki. Ang focus ko ngayon kung paano ako makakaipon para mabayaran ko nang buo ‘yung bahay ko sa nanay ko,” sey niya.

Kagagaling lang ni Sunshine from Italy noong makausap namin siya. Overnight lang daw siya roon kung saan isang araw kinunan ang mga eksena niya with Liza Soberano and Cherie Gil para sa Dolce Amore na gabi-gabing napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending