Zsa Zsa nakipaghiwalay na kay Conrad Onglao, kasal sa Italy di na tuloy | Bandera

Zsa Zsa nakipaghiwalay na kay Conrad Onglao, kasal sa Italy di na tuloy

Ervin Santiago |May 03,2016
facebook
share this

Zsa Zsa nakipaghiwalay na kay Conrad Onglao, kasal sa Italy di na tuloy

Ervin Santiago - May 03, 2016 - 04:56 PM

zsazsa padilla
KINUMPIRMA ng Kapamilya TV host-singer na si Karylle na umatras na ang kanyang inang si Zsa Zsa Padilla nakatakda sana nitong kasal kay Conrad Onglao na gaganapin sa Florence, Italy.

Nakachika ng ilang entertainment media si Karylle kanina sa “Artists For Mar” presscon para sa kandidatura ni former DILG Sec. Mar Roxas at sinabi nga nitong umalis na ang Divine Diva sa bahay nila ni Conrad sa San Lorenzo Village sa Makati kamakailan.

Ayon kay Karylle, bumalik na si Zsa Zsa Padilla sa bahay nila noon ng kanyang partner na si Mang Dolphy na matatagpuan sa Marina, Parañaque City. May sakit daw ngayon ang Divine Diva at nagpapagaling kaya humiling din ng dasal si Karylle sa fans ng kanyang ina para sa mabilis ng paggaling nito.

Ayon sa naunang ulat, nakipaghiwalay daw si Zsa Zsa sa kanyang boyfriend dahil sa ilang personal na bagay na hindi nila napagkasunduan. Kumalat ang chika na hiwalay na ang dalawa matapos magpunta si Conrad sa renewal of vows nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos last Saturday na hindi kasama si Zsa Zsa.

Nabatid na si Conrad pala ang architect ng beach resort nina Juday at Ryan sa San Juan, Batangas.

Ayon kay Karylle, ayaw na sana niyang magsalita tungkol sa isyung ito dahil respeto na lang sa kanyang ina at kay Conrad pero dahil nakorner na siya ng press ay wala na siyang nagawa kundi ang magsalita.

“Yes, my mom called off the wedding,” anang misis ni Yael Yuzon. Sey pa ni Karylle wala siya sa posisyon para magsalita kung ano ang rason ng paghihiwalay ng dalawa. Mas mabuting si Zsa Zsa na lang daw ang tanungin tungkol dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending