Joshua: di po ako galit sa bading, wala rin pong nangharas sa akin! | Bandera

Joshua: di po ako galit sa bading, wala rin pong nangharas sa akin!

Reggee Bonoan |May 04,2016
facebook
share this

Joshua: di po ako galit sa bading, wala rin pong nangharas sa akin!

Reggee Bonoan - May 04, 2016 - 02:00 AM

Joshua Garcia

Joshua Garcia

MARUNONG sa buhay at magaling din ang adviser ng Pinoy Big Brother All In (2014) ex-housemate na si Joshua Garcia na tubong-Bauan, Batangas. Halos dalawang taon pa lang si Joshua sa showbiz pero marami na siyang naipundar tulad ng sariling sasakyan at lupa na pinatatayuan nila ngayon ng iparerentang studio type apartment.

“First soap (Nasaan Ka Nang Kailangan Kita) ko po, nakabili na ako ng kotse tapos nakabili na ako ng lupa para sa pinatatayuang apartment. Tapos kapag nagka-soap po ulit, bibili ulit ako ng lupa para madagdagan po ‘yung tatayuang apartment,” kuwento ni Joshua nang solo naming makatsikahan pagkatapos ng kanyang presscon bilang bagong endorser ng BNY na may tag line ngayong “The next generation youth wear.”

Ayon sa binatilyo, hindi siya mahilig sa branded na gamit basta’t bagay at kumportable siyang isuot ay okay na.“Wala po akong hilig, e, hindi rin ako mahilig mamili ng shoes, pag kailangan lang. Saka may sponsor po ako sa shoes, Jump po tapos sa damit, heto BNY, ang ganda nga po, eh. Sakto. “Hindi rin po ako mahilig sa gadgets, okay na ako sa cellphone, wala nga po akong laptop, eh,” nakangiting kuwento ng batang aktor.

Aminado si Joshua na ginagabayan siya ng tatay niya pagdating sa financial kaya naman napupunta ito sa maayos at sa murang edad, gusto na nitong magtayo ng food business.“Plano ko po, ipagpatayo si papa ng tapsilogan. Kasi sayang po ‘yung talent ng papa ko, magaling po kasi siya magluto,” kuwento ni Joshua.

Natuwa kami para sa batang aktor dahil sa edad na disiotso ay alam na nito kung ano ang gusto niya sa buhay at paano gamitin sa tama ang kanyang kinikita unlike sa ibang kasing edad niya na puro gadgets, branded na gamit at party ang inaatupag.

“Ay, hindi po ako mahilig lumabas, sa bahay lang po ako matutulog,” nakangiting sabi ni Joshua.
At dahil sa mga hilig gawin ng batang aktor ay gusto nitong mag-aral ng may kinalaman sa business or entrepreneurship. Kaya siguro maagang nag-mature ang binatilyo ay dahil hiwalay ang magulang niya at may mga kanya-kanya ng buhay at sa tatay siya napunta.

“Ang work po ng mama ko ay teacher at sa mga tiles. Nasa side po ako ng papa ko kasi siya yung pinili ko raw noong bata ako, wala pa po akong alam noon.

“Siguro ang pinili ko noon mama ko, iniwan niya ako noon sa kapatid ng papa kong pari kasi po walang trabaho noon ang mama ko. Kaya sa tito kong pari po ako tumira at lumaki. Tapos kinuha na ako ng papa ko at dinala sa Bauan (Batangas),” kuwento ng batang aktor.

Kaya naman pala mabait at palangiti si Joshua dahil lumaki siya sa pari at lola.
Sa tanong ko kung naisip ba niyang magpari rin, “Hindi po, ayoko po, boring. Nabo-bore po ako sa loob ng simbahan,” natawang sagot ng batang aktor.

Sa tanong namin kung may mga indecent proposal na ba siyang natanggap galing sa gays, “Wala naman po,” kaswal na sagot ng binatilyo. Hindi naman siya nakatikim ng harassment o kung galit ba siya sa mga bading, “Ay hindi po ako galit, marami po akong kaibigang gays, wala rin pong nangha-harrass. Hindi po ako into gay, puwede po ako maging kaibigan lang.”

At ang mahigpit na bilin daw kay Joshua ng tiyuhin niyang pari, “Huwag daw muna ako maggi-girlfriend kasi minsan lang mangyari ito (showbiz) sa buhay ko kaya pagbutihin ko raw po. “Ako po ang nag-decide na sumali sa PBB kasi po that time gusto ko nang mag-ayos sa pag-aaral ko sa high school, saka po nawalan ng work ang papa ko, so nagdesisyon po akong sumali dahil sa prizes,” pag-amin niya.

Alam ba ni Joshua na may itsura siya kaya siya nakapasa sa PBB audition? “Hindi po, mga teacher ko lang po nagsasabi na guwapo raw ako,” napangiting sabi ng binatilyo. Samantala, pinalitan na ni Joshua si Manolo Pedrosa bilang image model ng BNY at lagare sa mall shows ang binatilyo para sa nasabing clothing line na nagsimula noong Abril 20 sa Legaspi City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa tindig na 5’11″ ay natanong ang binatilyo kung willing siyang rumampa nang naka-trunks o briefs, “Saka na po siguro kasi marami pa akong baby fats.” Hindi itinanggi ni Joshua na napagsabihan siya ng tatay ng ka-loveteam niyang si Loisa Andalio na wala munang ligawan, “Sabi po barkadahan lang muna kasi 15 pa lang siya noon, 17 na siya ngayon. Saka respeto na lang din po sa papa niya na sinabihan na ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending