Melai desidido nang idemanda ang Duterte fan na nam-bully sa anak | Bandera

Melai desidido nang idemanda ang Duterte fan na nam-bully sa anak

Alex Brosas |May 03,2016
facebook
share this

Melai desidido nang idemanda ang Duterte fan na nam-bully sa anak

Alex Brosas - May 03, 2016 - 02:00 AM

melai contiveros

MELAI Cantiveros is seething with anger. Who wouldn‘t when someone wished that your daughter be raped. Isang female Rodrigo Duterte fan ang nag-wish na sana raw ay ma-rape ang anak nina Melai at Jason Francisco.

Melai didn‘t take it sitting down. Ipinost niya sa kanyang social media account ang photo ng female basher with this caption, “Hindi ako nakikipag away kahit binabash ako dahil si Mar Roxas ang napili at gusto kong presidente.

Pero kung sasabihin mo saken ‘sana ma-rape ang anak ko’ —- ay ibang usapan na yan. Lalaban ako dahil hindi na tama ang punto nyo.  “Pati anak kong baby na babae idadamay nyo? Sa mga kaibigan kong supporter ni duterte tingin nyo ba tama pa tong ginawa ng kapwa nyong supporter? Handa ako mag file ng kaso sa taong to.”

Melai and husband Jason Francisco are asking their friends in social media to, “repost her face sa social media ang pangalan nya ay (Shawie Constantino Enriquez) pra makafile ng kaso sa kanyang pagbabanta at pangbu-bully na itu, di na normal ginagawa nya, at mananawagan ako sa DSWD at Bantay Bata sa pwedeng aksyon nila sa babaeng walang puso na itu.”

‘Yan ang problema sa ilang Duterte followers, masyado silang bully. Kung siya kaya ang i-wish na ma-rape, matuwa kaya siya? Naku, ineng, magtago ka na at tiyak na any moment now ay kakasuhan ka na ni Melai. Matapang kang magtatalak sa social media, ha, ewan ko lang kung ganyan ka pa rin katapang kapag pinosasan ka na!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending