Kailan magkaka-girlfriend? | Bandera

Kailan magkaka-girlfriend?

Joseph Greenfield |May 03,2016
facebook
share this

Kailan magkaka-girlfriend?

Joseph Greenfield - May 03, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jacob ng San Roque, Bombon, Camarines Sur
Dear Sir Greenfield,
Sa edad ko pong 27 years old hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend, pero ang sabi ng nanay ko guwapo naman daw ako. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend? At nais ko din malaman kung yong nililigawan ko na kayang babae ang magiging first girlfriend ko? Ang babaing ito ay sinilang noong July 11, 1991 at nagta-trabaho sa isang restaurant. Ako naman po ay nagta-trabaho din sa nasabing restaurant at lagi kaming mag kasama. November 16, 1988 naman ang birthday ko. Magiging girlfriend ko kaya ang babaing ito at sa bandang huli kami na kaya ng nililigawan kong ito ang magkakatuluyan?
Umaasa,
Jacob ng Camarines Sur

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na 27 years old ka na sa kasalukuyan sigurado ang magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-girlfrind ka hanggang sa tuluyang makaag-asawa.
Cartomancy:
Queen of Clubs, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas.( Illustration 1.,). Ang mga baraha ang nagsasabinbg matapos ang matagal na paghihinaty sa taon ding ito ng 2016 matutupad ang iyong kahilingan, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas, hindi ng isang babaing halos hindi nagkakalayo ang inyong edad.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending