Jeep nasalpok ng trak; 1 patay, 7 sugatan | Bandera

Jeep nasalpok ng trak; 1 patay, 7 sugatan

John Roson |May 02,2016
facebook
share this

Jeep nasalpok ng trak; 1 patay, 7 sugatan

John Roson - May 02, 2016 - 07:25 PM

camarines sur
Patay ang isang lalaki habang pito pa katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasugatan nang salpukin ng trailer truck ang isang pampasaherong jeepney sa San Fernando, Camarines Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Dead on arrival sa ospital si Gregorio Oscales, 29, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Sugatan naman ang iba pang pasaherong sina Esteban Tiava Jr., 30; Rosa Claveria, nasa ligal na edad; Christine Briones, 17; Consejo Deborde-Bandin, 52; Jason Colindon, 29; Emily Eco, 35; at Prince Kenneth Tiava, isa’t kalahating taong gulang.

Naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon Sabado, habang minamaneho ni Roger Regidor ang jeepney (EVR-831) na biyaheng San Fernando-Naga sa Zone 7, Brgy. Bonifacio.

Nasalpok ng Isuzu trailer truck na dala ni Allan Perez ang jeepney, kaya rumampa sa gutter at bumagsak ang huli, ayon sa ulat.

Dinala ang walong sakay ng jeep sa Bicol Medical Center ng Naga City, ngunit di na umabot naang buhay si Oscales.

Sumuko sa mga pulis sa Naga City ang driver ng trak at nai-turnover na sa San Fernando Police para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending