Horoscope, May 03, 2016 | Bandera

Horoscope, May 03, 2016

Madam Sophia |May 03,2016
facebook
share this

Horoscope, May 03, 2016

Madam Sophia - May 03, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magdudulot sayo ng magandang kapalaran ang buwang ito ng Mayo at ang napalapit na tag-ulan. Dagdag na salapi, karangalan at bagong romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Blue at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Laging tandaan, ang pagtitipid at pag-iipon ang pinaka-mabisang paraan upang makaiwas sa kahirapan. Sa pag-ibig, wag patangay sa luho ng minamahal, turuan siyang magsinop ng kabuhayan upang mas mabilis kayong umasenso. Mapalad ang 3, 15, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Om.” Lilac at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Pagkaing malamig at may yelo ang magpapasigla sa araw na ito. Sa pag-ibig, ilibre ng halo-halo ang kasuyo. Sa pinansyal, tulad ng pagka-sabik sa tubig na malamig, ganon din ang dapat na paghahangad na umunlad at yumaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra, “Krishnayana-Gayatri-Om”. Violet at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Panatiliin ang simpleng buhay. Tigilan na ang pagiisip at pagbili ng kung ano-anong bagay. Sa takdang panahon, kusang darating ang lahat ng iyan! Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang lugar na tahimik at malamig at doon kayo maglambingan. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Upang hindi mabigo, hindi puso ang dapat masunod kundi isip. Pag-isipang mabuti ang susuunging transaksyon upang hindi malugi. Sa pag-ibig, hindi dapat bumigay sa kasuyo, kailangang matututo kang tumanggi. Mapalad ang 7, 18, 27, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Om-Yophiel”. Yellow at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Hindi dapat maghintay ng anomang kapalit sa mga naitulong sa kapwa. Wag tuos ng tuos sa mga kabutihang nagawa. Sa pag-ibig, nag-iinit at nanghuhulas na ang kasuyo, yayain siyang mag-swimming. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 39 at 42. Mahgiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Orange at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Huwag umasa sa pangakong salapi na hindi mo pa hawak! Sa pag-ibig, kung wala na talagang masandalan, ang kasuyong Capricorn pa rin ang maaasahan! Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra.” Green at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Ngayong tag-araw, daanin sa lambing ang kasuyo upang ilibre ka ng ice-cream. Sa pinansyal, tulad ng nagdaang mga araw, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arantayanan-Kebanam.” Blue at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Anomang pagsubok ang dumating hindi dapat sumuko, darating ang panahong uunlad at yayaman ka rin. Sa pag-ibig, hindi lang siya ang nilalang sa mundo, makakatagpo ka pa ng higit pa sa kanya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om-Nameh.” White at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Malaki ang maitutulong ng kasuyong Aries sa kasalukuyang problema! Bakit hindi mo siya lambingin at pagkatapos ay utangan? Hindi ka nya kayang tanggihan! Mapalad 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yara-Salve-Me-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag tutulog-tulog. Magmadali bago maka-alpas ang suwerte! Sunggaban agad ang inaalok na pagkakakitaan ng isang kaibigang Taurus. Sa pag-ibig, minsan lang mag-init ang kasuyo, romansahain mo agad upang makaraos. Mapalad ang 4, 13, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never!” Green at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa bawat problema ito ang paraan ng tadhana upang matuklasan mo ang teknik upang yumaman at lumigaya. Tandaan din namang sa larangan ng pag-ibig, sa bawat kasawian, may kaligayang kasunod! Mapalad ang 3, 9, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Hani-Om”. Lilac at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Wag mawawalan ng pag-asa. Paikot-ikot lang ang kapalaran. Mawawalan ng pera, upang bukas makalawa, lalo pang dumami ang salapi. Sa pag-ibi may tampuhang magaganap, upang pagkatapos, lalo pang sumarap ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 24, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: Yod-He-Vau-Weh.” Green at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending