Bus nakanal; 1 patay, 5 sugatan | Bandera

Bus nakanal; 1 patay, 5 sugatan

John Roson |May 02,2016
facebook
share this

Bus nakanal; 1 patay, 5 sugatan

John Roson - May 02, 2016 - 01:39 PM

catanduanes
Isang lalaki ang nasawi habang di bababa sa lima pa katao ang nasugatan nang mahulog sa kanal ang sinakyan nilang bus sa Viga, Catanduanes, Linggo ng hapon, ayon sa pulisya.

Limang pasahero ang isinugod sa iba-ibang ospital, pero binawian ng buhay si Wilfredo Dolores Sr., residente ng Bagamanoc, sabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Nagpapagaling pa sina Jojo Tupue, Raymond Calderon, Aida Calderon, at Pio Tillerva sa Viga District Hospital at Eastern Bicol Medical Center ng Virac.

Dinala din ang driver ng bus na si Romy Evangelista sa Viga District Hospital dahil sa bahgyang pinsalang tinamo, ani Calubaquib.

Naganap ang insidente dakong alas-2:50, habang minamaneho ni Evangelista ang bus, na may humigit-kumulang 50 pasahero, sa Brgy. P. Vera.

Habang binabagtas ng bus ang pababang bahagi ng kalsada’y nagloko umano ang makina.

Dhil dito’y kinabig ni Evangelista ang bus pakanan para di masalpok ang kasalubong na sasakyan, pero nahulog naman ang bus sa palusong na gilid ng kalsada, ani Calubaquib.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending