Marc Pingris tuloy ang pagsuporta kay Duterte: Wala pong bayad ‘to!
Through his Instagram account ay ipinakita ni Gilas Pilipinas player Marc Pingris na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang bet na presidentiable.
Unfazed ang PBA basketball player sa mga kinasasangkutang controversy ni Duterte. Sinabi niyang gusto niya ng pagbabago kaya niya ini-endorse ang kandidatura ni Duterte.
“Finally I was able to meet you sir! Eto ang sabi nya sa akin ‘I will clean the government’. DU30 #parasapagbabago,” caption ng dyowa ni Danica Sotto sa photo niya kasama ang Davao mayor.
“Walang bayad to dahil gusto ko ng pag babago!!! Ikaw ano gusto mo para sa bansa natin? #ditoako #parasapagbabago #duterte2016 #malapitna,” say naman niya sa isa pang IG photo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.