Injury hindi naging hadlang kay Ara Galang | Bandera

Injury hindi naging hadlang kay Ara Galang

Angelito Oredo |May 02,2016
facebook
share this

Injury hindi naging hadlang kay Ara Galang

Angelito Oredo - May 02, 2016 - 01:00 AM

HINDI naging hadlang kay Victonara “Ara” Galang ang natamo nito na tila career-ending na injury noong nakaraang taon upang magpaalam sa kinaaaniban na De La Salle University Lady Spikers na bitbit ang matamis na korona sa pagtatapos ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament.

“Ginawa ko siyang motivation para umangat ako,” sabi ni Galang matapos tuluyang kumpletuhin ng Lady Spikers ang pagbawi sa pinakaaasam na korona na nabitawan nito sa nakalipas na dalawang taon.

Matatandaan na mahigit anim na buwang nagpagaling si Galang mula sa natamo na torn knee ligament sa krusyal na semifinals noong nakaraang taon na naging sanhi upang mapait nito na mapagmasdan ang pagkakalasap ng kabiguan ng Lady Spikers kontra sa karibal na Lady Eagles.

“Nagpapasalamat ako sa aking mga teammates na sumuporta pa rin sa akin, sa aking mga coaches na patuloy na naniwala na makakabalik ako, at pati na sa pamunuan ng La Salle. Masasabi ko po na it is such a great coaching staff, pati na doon sa mga utility at pati na rin sa buong organization,” sabi pa ni Galang.

Hindi man katulad sa pagiging eksposibong manlalaro bago nagtamo ng injury ay nagtala pa rin si Galang ng siyam na puntos para ipamalas ang pagiging beterano at puso na lumaban na nakatulong sa Lady Spikers tungo sa pagkuha ng titulo.

“Hindi ko na po iniisip ang injury dahil ang nasa isip ko na lang po ay kung paano ko matutulungan ang mga kasamahan ko na manalo,” dagdag pa ni Galang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending