Coco malaking tulong sa kandidatura ni Grace Poe | Bandera

Coco malaking tulong sa kandidatura ni Grace Poe

Cristy Fermin |May 02,2016
facebook
share this

Coco malaking tulong sa kandidatura ni Grace Poe

Cristy Fermin - May 02, 2016 - 02:00 AM

coco martin

NAPAPANOOD na ngayon sa mga political ads ni Senadora Grace Poe ang sinserong pag-eendorso sa kanya ng magaling at sikat na aktor na si Coco Martin.Ipinagsisigawan ni Coco na si Senadora Grace Poe ang kanyang presidente habang palakad-lakad siya sa entablado de-kampanya.

Napakala-king suporta ang ibinibigay ng magaling na aktor sa kandidatura ng anak ni Ms. Susan Roces na kasama niya sa Ang Probinsiyano.Malawak ang popularidad ni Coco Martin, paborito siyang aktor ng ating mga kababayan, walang pinipiling edad ang paghanga sa kanya ng mga Pinoy na manonood.

Ang boto para kay Senadora Grace Poe ay parang boto na rin daw para sa kanya, sabi ni Coco sa kanyang paglalambing sa mga botante, kaya siguradong malaking dagdag-suporta ang mga ginagawa ng magaling na aktor para sa pagsungkit ng senadora sa pinakamataas na upuan sa ating pamahalaan.

Sa darating na Lunes ay eleksiyon na. Maglalabas na ng kalayaan ang mga Pinoy sa kung sino ang napupusuan nilang maging pangulo, habang papalapit na ang halalan ay palalim naman nang palalim ang mga upakan ng mga naglalaban-laban, sobrang personal nga kung tutuusin ang nagaganap sa pulitika ngayon sa ating bayan.

Pero ang puso pa rin natin ang dapat masunod at hindi ang mga materyal na bagay na ibinibigay ng ibang pulitiko na gustong manalo sa pamamagitan ng pagbili ng boto. Minsan lang sa tuwing anim na taon nating nagagamit ang ating karapatang magluklok ng karapat-dapat na tagapamuno ng ating bayan. Huwag na nating palampasin pa ang kalayaang ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending