Maarteng male singer masyadong epal kaya ayaw nang kunin ng mga show producer | Bandera

Maarteng male singer masyadong epal kaya ayaw nang kunin ng mga show producer

Cristy Fermin |May 02,2016
facebook
share this

Maarteng male singer masyadong epal kaya ayaw nang kunin ng mga show producer

Cristy Fermin - May 02, 2016 - 02:00 AM

 

BLIND ITEM MALE 0316

PALAGING nagdadalawang-isip ang mga show promoters kapag kinukuha nila para sa malalayong probinsiya ang isang male singer. Ang kanilang problema—maarte ang male performer. Bago sumagot sa kompromiso ang male singer ay napakarami muna niyang ipinabubusisi sa kanyang manager. Tinatanong niya kung kaninong sound system ang gagamitin sa show.

Masyado siyang nakatutok sa technical rider, may mga binabanggit siyang kumpanyang nagpapa-rent ng magagandang sound system, ‘yun daw ang gusto niyang gamitin ng magpapa-show. Kuwento ng aming source, “Isang show lang sa barrio, ganu’n pa ang gagamiting sound system? Hindi ba niya naiisip na pambayad nga lang sa talent fee ng mga artistang magso-show, e, patak-patak pang hinihingi sa mga tagaroon?

“Saka ang magaling na singer, kahit hindi kagandahang sound system ang gamitin, e, magaling pa rin! Bakit ang ibang mga singers at artista, e, hindi naman pinanghihimasukan kung anong klaseng sound system ang gagamitin ng magpapa-show?“Siya lang ang ganu’n, kaya nagdadalawang-isip ang mga nagpapa-show kung kukunin pa rin ba siya o hindi!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

Ganu’n nga siya kaarte at kabusisi, hindi siya mismo ang nakakausap ng mga show promoters, pero ‘yun ang idinidikta niya sa kanyang manager.“Kita n’yo, madalang na siyang kinukuha ngayon sa mga provincial shows, napakaarte niya kasi!

May technical rider pa siyang nalalaman, e, ni wala ngang pambayad sa mga performers ang maliliit na lugar lang na gustong magpasaya ng mga kababayan o kababaryo nila! “Kilalang-kilala mo siya, Bradly Guevarra, birit kung birit palagi ang male singer na ito, puro pambabae pa nga ang mga piyesang inuupakan niya, di ba?” humahalakhak na pagtatapos ng a-ming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending