'Pag nanalo si Duterte...malapit na nga ang katapusan ng mundo!' | Bandera

‘Pag nanalo si Duterte…malapit na nga ang katapusan ng mundo!’

Jobert Sucaldito |May 02,2016
facebook
share this

‘Pag nanalo si Duterte…malapit na nga ang katapusan ng mundo!’

Jobert Sucaldito - May 02, 2016 - 02:00 AM

rodrigo duterte

SABIHIN na nila ang gusto nilang paninira kay Binay pero di-hamak na mas gusto ko siya compared sa idolo nilang si Digong Duterte. Mara-ming natutulungang may sakit si Binay as attested by a lot. Kumbaga, si Binay ay bumubuhay while itong si Duterte ay pumapatay. Ha-hahaha!

Dami kong kilalang natulungan ng pamilya Binay. Mahirap na lang magsalita dahil napakaraming mga Pinoy ang sobrang judgmental. Corrupt daw si Binay at maraming nakatagong pera – bakit si Digong niyo, wala? Ang pinakikita niya ngayong bank account sa BPI Julia Vargas branch ay naglalaman lamang ng P17,000 plus dahil yung more than P200 million daw na iniregalo sa kaniya nu’ng birthday niya ay naubos na raw sa pag-hapi-hapi.

Naniniwala kayong naubos sa hapi-hapi ang ganoon kalaking halaga? Huwag nga kayong mga tukmol at mapagpaniwala sa idolo ninyo? Huwag kayong magbulag-bulagan. Gumising kayo! Baka magulat kayo na itong idolo ninyong si Duterte ay bilyonaryo talaga sa totoong buhay.

Magaling lang talaga ang stylist niya para bihisan siya ng ordinaryong polo shirt para magmukha siyang mahirap pero sa totoong buhay, he’s filthy rich. Not just rich – super-rich. Di ba’t ipinakita pa sa TV at social media na simple nga kuno ang bahay niya pero merong sariling golf course sa likod at may helipad pa kamo. May mahirap bang ang hobby ay golf?
Pag nanalo iyan at maging lalong miserable ang mga buhay niyo at mapatay ang mga mahal ninyo sa buhay, wala kayong karapatang magreklamo dahil ginusto niyo iyan.
Sasabihin na naman ninyo sinisiraan lang siya, para ka-yong mga miyembro ng kulto na talagang sagad na na-hypnotize. Mag-isip-isip nga kayo.

Kung ang Santo Papa nga ay kaya niyang murahin, kung ang isang patay na babae ay kaya niyang pagnasaan, doon pa rin kayo? Parang gusto ko nang maniwalang malapit na ang Second Coming dahil mga senyales na ito na ang mga tao sa mundo ay wala nang takot sa Diyos.

Soooo sad! Really! Nakakatakot na ang mundo…iba na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending