Nahihiyang manligaw (2) | Bandera

Nahihiyang manligaw (2)

Joseph Greenfield |May 02,2016
facebook
share this

Nahihiyang manligaw (2)

Joseph Greenfield - May 02, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Alvin ng Castellano, Calatraba, Negros Occidental
Problema:
1. Hindi ako nakatapos ng high school kaya naman sa edad kong 27 ay nahihiya akong manligaw, nangyari pang ang babaing nakukursunadahan ko ay tapos ng college. May trabaho naman ako sa ngayon bilang collector at messenger sa isang lending company at maayos naman ang suweldo ko. Gusto ko ng magka-girlfriend kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Sa ngayon ay wala namang boyfriend ang babaing sinasabi ko at nakakakuwentuhan ko siya ng madalas, kaya lang parang nagdadalawang isip akong ipahayag ang pag-ibig ko sa kanya.
2. Kung malalaman kaya niya ang damdamin ko, patulan kaya niya ako kahit hindi ako edukadong tao? Lahi kasi sila ng mga edukadong tao at may kaya din sa buhay ang kanilang pamilya. September 14, 1988 ang birthday ko at December 23, 1990 naman ang babaing napupusuan ko.
Umaasa,
Alvin ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Capricorn naman ang babaing napupusuan mo ang nagsasabing tugma at sadyang compatible kayo, sapagkat ang Virgo at Capricorn ay kapwa nagtataglay ng iisang elemento – ang e-lementong earth o lupa.
Numerology:
Ang birth date mong 14 at 23 naman ang babaing nililigawan mo ang nagsasabing tulad din sa Astrology tugma at compatible kayo, sapagakt sa sandaling nagsama ang 14 at 23, sa pagnenegosyo at pag-aabroad tiyak na sila ay yayaman.
Luscher Color Test:
Upang palarin ang in-yong relasyon kung sakaling sasagutin ka na niya at magiging girlfriend at tuluyang mnapapanagsawa, lagi kayong gumamit ng kulay na silver, grayu, berde at dilaw. Sa nasabing mga kulay lalong iinit ang inyong pagmamahalan at lalo pang mas uunlad ang itatayo ninyong pamilya habang buhay.
Huling payo at paalala:
Alvin ayon sa iyong kapalaran, nakatakda na ang magaganap, isang babaing maputi, makinis ang balat, chinita ang tabas ng mukha at maganda ang iyong mapapangasawa, hindi lang i-yon, bagkus, bukod nga sa maganda, mayaman o may kaya din ang kanilang pa-milya. Kung ganyan ang description ng babaing nililigawan mo sa ngayon, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2017 sa edad mong 28 pataas, siya na nga ang mapapanagsawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang masagana, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending