P44M nakuha sa Pangasinan | Bandera

P44M nakuha sa Pangasinan

Leifbilly Begas |May 01,2016
facebook
share this

P44M nakuha sa Pangasinan

Leifbilly Begas - May 01, 2016 - 04:32 PM

lotto for site
Isang mananaya sa Pozorrubio, Pangasinan ang nanalo ng P44.2 milyong jackpot prize sa pinakahuling bola ng Mega Lotto 6/45.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ang pumili sa winning number combination na 44-33-45-23-11-37 na lumabas noong Biyernes ng gabi.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo. Kailangan naman niyang ingatan ang kanyang ticket dahil maaari itong masira dahil sa labis na init o kung mababasa at malulukot.
Nanalo naman ng tig-P39,090 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Tig-P850 naman ang 839 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 15,152 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending