James umamin sa 'Kissing Scandal' nila ni Nadine sa loob ng kwarto | Bandera

James umamin sa ‘Kissing Scandal’ nila ni Nadine sa loob ng kwarto

Reggee Bonoan |May 02,2016
facebook
share this

James umamin sa ‘Kissing Scandal’ nila ni Nadine sa loob ng kwarto

Reggee Bonoan - May 02, 2016 - 02:00 AM

james reid

CERTIFIED Kapamilya stars sina James Reid at Nadine Lustre kaya nagulat ang lahat nang tapatan ang pelikula nilang “This Time” ng Viva Films ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado na produced naman ng Star Cinema.

Kaya ang running joke ngayon sa mga presscon ay magkakaalaman sa Mayo 4 kung sino sa Kapamilya stars na JaDine at John Lloyd plus Jennylyn ang mas may hatak sa takilya.Walang maibigay na komento sina James at Nadine nang hingan sila ng reaksyon tungkol dito sa ginanap na presscon ng “This Time” noong Sabado ng gabi.

Sabi ni James, “It’s a first time experience so I don’t really know how to react but I’m always believe in healthy competition. Of course, we’re surprised as well and yeah, I really don’t know how to react.” Sabi naman ni Nadine, “Nagulat din po ako, but then, I do’n know how to react kasi first time, ewan ko po. But then we’re not competing naman po with anyone, so we’re just really excited and happy po sa This Time.”

Tinanong ang JaDine kung ano ang pagkakaiba ng pagtatrabaho nila ngayong magkarelasyon na sila kumpara noong hindi pa sila opisyal na magdyowa. Sabi ni Nadine, “It feels better po, kaya lang po in this movie hindi po katulad ng Clark and Lea (karakter nila sa On The Wings of Love) na sila talaga. “So ito po ‘yung first movie namin ever na malabo po (ang relasyon) silang dalawa, so hindi together, hindi sila boyfriend-girlfriend dito.”

Ano naman ang nadiskubre nila sa isa’t isa ngayon na hindi nila nalaman noong ginagawa pa nila ang On The Wings of Love. “Wala naman po akong na-discover kay James kasi two years na po kaming magkakilala and almost everyday po kaming nagkikita, nagkakatrabaho, magkasama so parang 24/7 na rin po. Nakakatawa, marunong pala siyang magplantsa. Na weirduhan lang po ako, wala lang, other than that wala naman akong ibang na-discover na,” masayang kuwento ng aktres.

Pahayag naman ng aktor, “It’s the same thing, I’ve known her for two years, I like to think that I know her inside and out already, so it’s not really more learning on each other, it’s just having fun doing the movie together.” Noong Abril 11 ay dalawang buwan ng magkarelasyon sina Nadine at James at walang nabalitaang isinelebreyt nila ito bagay na hindi naman itinanggi ni James dahil nga abala sila sa shooting ng “This Time.”

Kaya sa 3rd monthsary na lang daw sila magse-celebrate (May 11), “Will make it up this coming month we have a lot of time together,” panigurado ng aktor. Pambubuking ni Nadine, “Sa May 11 po, birthday din po niya (James) so, doon na lang po (mag-celebrate). May gift po ako sa kanya, secret na lang po ‘yun.”

Samantala, hindi itinanggi ni James ang kumalat na ‘kissing scandal’ photo nila ni Nadine sa social media na nakunan sa isang kuwarto. Hindi rin daw ito kasama sa pelikula. “Is it true?” nangingiting sabi ng aktor. Sabay sabing, “Siguro, totoo?” sabay tawa.

Tungkol sa pagkakaibigan simula noong mga bata sila ang kuwento ng “This Time” na nagkahiwalay dahil kailangan pero may sumpaan na hindi magbabago ang relasyon nila hanggang sa nagdalaga’t binata na.

Summer movie raw ang “This Time” dahil tuwing summer lang sila nagkikita pero sabi ni James ay excited siya sa ending ng pelikula dahil, “It’s so fun, colorful and it’s the most fun scenes I’ve done in any of the movies I’ve done so far, so I’m really looking forward to it.”

At dahil kuwento ng long distance relationship ang movie kaya natanong si James kung nagkaroon na siya ng karelasyon na magkalayo sila. “I’ve never tried a long distance relationship, hence I’m not the kind of person who believes in long distance relationship, but after playing this character makes me feel you know, it’s possible. Feel that there’s the one for you that you go on distance, you wait anytime to be with them,” pahayag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, magkakaroon ng 31 block screening para sa pelikulang “This Time” ang isang grupo palang ng JaDine fans at wala pa ‘yung iba kaya naman excited na ang magka-loveteam.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending