Vice kay Karla: Ikaw pag nang-asar ka true to life eh! | Bandera

Vice kay Karla: Ikaw pag nang-asar ka true to life eh!

Djan Magbanua |May 01,2016
facebook
share this

Vice kay Karla: Ikaw pag nang-asar ka true to life eh!

Djan Magbanua - May 01, 2016 - 03:10 PM

karla estrada

MUKHANG magandang idea ang pagsamahin sa iisang talkshow sina Karla Estrada at Vice Ganda.Isa ang TV host-comedian sa mga special guest ni Karla sa kanyang “Her Higness: The Queen Mother” concert sa KIA Theater last Saturday na talaga namang patok na patok sa audience.

Habang kinakanta ni Karla ang “Sirena” ni Gloc9 ay biglang umapir sa stage si Vice para sa rap part ng song ngunit pinatigil ni Vice ang music at nagchikahan na sila ni Karla on stage. Halakhakan to the max  ang audience sa kanilang good-natured usapan at asaran.

Pinaupo ni Karla si Vice sa sofa kung saan siya nakahilata at ang sabi ni Vice, “Ayoko magmumukhang talkshow to!” At parang episode nga ng Gandang Gabi Vice na may Magandang Buhay crossover ang nangyari nang tanungin ng komedyante kung ano ang isang pangarap noon ni Karla.

Sagot naman ng Queen Mother Karla – ang maging beauty queen. And on the spot nag-practice sila ng mga linya na ginagamit sa beauty contest na bentang-benta sa audience. “Ikaw pag nang aasar ka true to life eh!” sabi pa ni Vice kay Karla. Present din as guests ang Your Face Sounds Familiar season one contestants na sina Nyoy Volonte, Jay-R, Tutti Caringal at Edgar Allan Guzman.

Umawit din sa isang makulit na song and dance number sina Melai Contiveros at Jolina Magdangal at sinamahan pa ang Queen Mother sa isang prod number. Samantala, success na success ang concert ni Karla. Very light at lagi siyang nakikipagbiruan sa audience kaya good vibes all throughout the night ang nangyari.

Entertained ang lahat sa bawat kanta na handog ng mommy ni Daniel Padilla. “Maraming salamat at hindi niyo ako pinabayaan ngayong gabi. Sa kabila ng traffic, sa kabila ng kaguluhan sa politika…charot! Di tayo pupunta du’n!” biro ni Karla sa umpisa ng kanyang concert.

Pinaliwanag din niya kung ano ang meaning ng bansag sa kanyang Queen Mother, “Ako po ang queen ng aking mga anak.” Speaking of anak, present sa audience sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pagkatapos din ng concert ay umakyat ng stage ang lahat ng anak ni Karla upang abutan siya ng flowers at batiin sa success ng concert niya.

 Ayon kay Karla mahalaga ang musika sa buhay niya, “Throughout all of my adventures hindi nawala ang musika. Nu’ng wala akong trabaho sa akting, musika ang bumuhay sa akin at sa mga anak ko,” aniya.

(photo credit: Larawan mula sa Facebook ni Dominic Rea)

  Lugar para sa mga attachment
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending