Madlang pipol matindi na ang galit kina Kris at P-Noy | Bandera

Madlang pipol matindi na ang galit kina Kris at P-Noy

Ambet Nabus |May 01,2016
facebook
share this

Madlang pipol matindi na ang galit kina Kris at P-Noy

Ambet Nabus - May 01, 2016 - 02:00 AM

kris aquino

Nagbigay na rin ng pahayag si Kris Aquino hinggil sa inanunsyo ng kanyang Presidenteng kapatid kaugnay ng planong pagkidnap ng grupong Abu Sayyaf sa kanya at sa kanyang mga anak pati na rin kay Manny Pacquiao.

Ayon kay Kris ito ang totoong reason kung bakit hindi na siya nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN pero totoo rin naman ang problema sa kanyang kalusugan. Aniya, sineryoso nila ang banta ng Abu Sayyaf kaya matagal silang nawala sa bansa.

Sa ngayon daw, pinaiiral pa rin nila ang mahigpit na seguridad at doble-dobleng pag-iingat para maiwasan ang anumang problema. Ang ikinaloloka lang namin sa balitang ito kapatid na Ervin ay ang komento ng ilang kababayan natin na sana raw ay kidnapin na nga si Kris para matauhan at maturuan ng leksyon. Ganu’n na talaga ang level ng galit nila sa pamilya Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending