Marian sa bagong morning show: Hindi ko kailangang mag-english at magmaganda! | Bandera

Marian sa bagong morning show: Hindi ko kailangang mag-english at magmaganda!

Ervin Santiago |May 01,2016
facebook
share this

Marian sa bagong morning show: Hindi ko kailangang mag-english at magmaganda!

Ervin Santiago - May 01, 2016 - 02:00 AM

marian rivera

WALANG pressure na nararamdaman si Marian Rivera sa pagsisimula ng kanyang morning show na Yan Ang Morning ngayong Lunes, 10:45 a.m. sa GMA 7.

Sa presscon ng nasabing programa kamakailan, tinanong ang Kapuso Primetime Queen kung ano ang feeling na ngayon pa lang ay ikinukumpara na siya kay Kris Aquino na ilang taon ding nagreyna sa morning show niyang Kris TV sa ABS-CBN, ang sagot ni Marian, hindi niya tinanggap ang show para patunayan na magaling din siyang host.

“Hindi ko yun tine-take as a pressure. Ginagawa ko naman ito hindi para makipagkumpetisyon o para makipaglabanan. Kris Aquino is Kris Aquino. Walang tatalo du’n,” ang diretsong pahayag ng misis ni Dingdong Dantes.

“Gusto ko lang maging totoo sa sarili ko, as Marian ang makikita nila sa show. Parang kaya nga namin sinasabi na hindi ako familiar dito, kaya ita-try namin. “Gusto ko lang ipaalam sa audience na kung may mga bagay silang natatakot gawin o hindi sila familiar, walang masama kung susubukan mo,” chika pa ng aktres.

Inamin niya na kinilig siya nang sabihin sa kanya ng mga executives ng Siyete na bibigyan siya ng morning show, “But at the same time, siyempre, marami akong tanong sa sarili ko, ’Kakayanin ko ba ‘to?’” “Ako ay transparent na tao. Aaminin ko talaga na hindi naman ako kagalingan mag-host.

Aarte ako kung aarte ako. Pero iba naman ang pagsasalita sa pag-arte at pagho-host. Sinasabi ko nga na hindi ko forte ang pag-host,” chika pa ni Marian. Dagdag ni Yan, nang malaman niya ang format ng show, talagang ang nasabi niya, “‘Ay, totoong Marian lang.’ Hindi ko kailangan na mag-e-English ako diyan, magmamagaling, magmamaganda ako!

“Hindi, kasi ang ganda ng show na ‘yon kasi parang may matututunan ako at maise-share ko rin kung ano ang nalalaman ko. Nagtutulungan kami ng audience. Sabi ko nga, wala naman sigurong masama kung susubukan ko ang mga bagay na hindi ako familiar,” aniya pa.

Isa rin sa mga itinanong kay Yan during the presscon ay kung lalabas din sa programa ang anak nila ni Dingdong na si Maria Letizia o Baby Zia. “Hindi,” sagot nito sabay iling. Pero dugtong niya, “Ayaw ko naman ipagdamot bilang parehas naman kami ni Dong na artista, so ayaw ko naman ipagdamot.

“Noong buntis ako, nagse-share naman ako ng pictures. Noong nanganak ako, nagse-share ako. Pero sa Instagram ko, makikita nila na not every day ako nagpu-post, siguro sa mas si Dong pa. Okay na ‘yun. Oo, madamot ako, keri na ‘yon,” pahayag pa ng seksing-seksi pa ring asawa ni Dong.

Posible kayang magbago ang isip niya kapag ni-request ng mga bossing ng GMA na i-guest si Baby Zia sa Mother’s Day episode ng Yan Ang Morning, “Malay natin. Mommy nga ni Dong nag-guest, e.”
Samantala, nalulungkot din si Marian sa ginagawang pamba-bash ng ilang netizens kay Bianza Gonzales at sa anak nitong si Baby Lucia.

Talagang nilait-lait ng mga bastos at walang kaluluwang bashers ang anak ni Bianca, kung anu-anong masasakit na salita ang mga ipino-post nila sa social media. Sabi ni Marian, “Nag-uusap nga kami ni Bianca Gonzalez, e, kasi grabe rin talaga. Sabi ko nga, grabe itong mga taong ito.

“Grabe ‘yang mga bashers. Kaya nga tinawag silang bashers kasi mga duwag sila. Nagpapanggap sila sa likod ng mga pangalan na hindi nila pangalan. “Hindi namin dini-discuss ‘yung mga bashers, mga haters na ‘yan, bahala sila sa buhay nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Never akong sumagot sa mga ganyan sa akin. Kung magpapakilala sila sa totoong pangalan nila, baka puwede pa,” chika ni Yan. Pero aniya, hindi rin daw niya masisisi ang mga artistang pumapatol sa bahsers, “Tao lang naman lahat ng tao.

Siyempre, may mga limitations din, may mga bagay na talagang magtitimpi ka at talagang masasaktan ka. “Pero wala, e, ang importante siguro is kung gaano katatag at depende sa pag-uusap ng mga nakapaligid sa ’yo. Kasi, kung iintindihin mo, masisira siguro ang ulo mo,” sey pa ng TV host-actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending