Kris palalayain din agad ng Abu Sayyaf kahit walang kapalit na ransom money | Bandera

Kris palalayain din agad ng Abu Sayyaf kahit walang kapalit na ransom money

Cristy Fermin |May 01,2016
facebook
share this

Kris palalayain din agad ng Abu Sayyaf kahit walang kapalit na ransom money

Cristy Fermin - May 01, 2016 - 02:00 AM

kris aquino

Pansamantala mang nagpaalam sa kanyang mga programa si Kris Aquino ay siya pa rin ang pinagpipistahan ngayon sa social media. ‘Yun nga lang, hindi kagandahan ang mga isyung kinapapalooban ng aktres-TV host, puro pamba-bash ang inaabot niya ngayon na hindi na bago para kay Krissy.

Ayon sa mas nakararami ay ikinasasaya niya ang ganitong pangyayari na siya ang sentro ng atensiyon, siya ang pinagpipistahan kahit saan, nakasanayan na kasi ni Kris ang ganitong sitwasyon. Pagkatapos ng matinding akusasyon laban sa kanya dahil sa paggamit ng chopper na pag-aari ng gobyerno ay ang kontrobersiyal namang plano palang pagdukot sa kanya ng mga miyembro ng Abu Sayyaf ang laman ng lahat ng kuwentuhan ngayon kahit saan.

Pero mas marami ang hindi naniniwala sa rebelasyon ng kanyang kuyang pangulo, isang sumisigaw raw na namang gimik ito, para lang mailigaw ang sambayanan sa kontrobersiyal na chopper issue.
Nakakalungkot pero maraming kababayan natin ang parang gusto pang matamisin na natuloy raw sana ang pangingidnap ng bandidong grupo kay Kris.

Komento pa ng isang basher ni Kris, “Naku, siguradong palalayain din agad siya ng mga bumihag sa kanya dahil hindi nila matitiis ang kaartehan ni Kris! Mamomroblema kasi sila. Paano na ang lafang niya, ang mineral water na pampaligo niya, siguradong kaaasaran ‘yun ng mga bandido!”

Totoo man o imbento lang ang kuwento ay hindi natin gustong maging biktima ng kidnapping ang kahit sino, kahit pa ang may kaartehang si Kris Aquino, sa totoo lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending