Princess Punzalan sa primera kontrabida title: OK lang, masarap sa pakiramdam!!! | Bandera

Princess Punzalan sa primera kontrabida title: OK lang, masarap sa pakiramdam!!!

Ervin Santiago |May 01,2016
facebook
share this

Princess Punzalan sa primera kontrabida title: OK lang, masarap sa pakiramdam!!!

Ervin Santiago - May 01, 2016 - 02:00 AM

princess punzalan

WALANG isyu kay Princess Punzalan kung puro kontrabida pa rin ang natatanggap niyang offer mula sa mga producer at TV network.

Nagbabalik nga ang tinaguriang la primera kontranida sa paggawa ng teleserye at pelikula matapos mawala sa eksena ng ilang taon. Sa Los Angeles, California na nakatira ngayon si Princess working as a nurse, kasama niya roon ang kanyang asawa at anak.

Napapanood ang award-winning actress sa Primetime Bida series na The Story Of Us ng ABS-CBN bilang kontrabida ni Kim Chiu at kasali rin siya sa political movie na “diYOS-DIYOSAn” na showing na sa darating na May 4 nationwide.

Sa presscon ng nasabing pelikula natanong si Princess kung may nagbago ba sa pagbabalik niya sa mundo ng showbiz, “Maraming mga nagbago. Malamig na ang ilaw at meron ng mga aircon tents na noon hindi pa uso.”

“Ang pinakana-miss ko ay ang mag-perform sa harap ng kamera, at alam kong preparado ako at ano ang gawin na hinihingi ng eksena. Basically, yun talaga, e, performer ako, e, artist ako. I am at my best, my happiest, kapag ginagawa ko kung ano yung nag-enjoy ako,” ani Princess.

Ano ang reaksiyon niya na hanggang ngayon ay tinatawag pa rin siyang numero unong kontrabida kahit na ilang taon na siyang hindi umaarte, “Nagkataon lang siguro na mas tumatak ang pangalan ko bilang isang kontrabida.

“But actually, before 1996, before nu’ng Mula Sa Puso, typecasted ako bilang martir, kawawa, umiiyak, yung hindi lumalaban. Typecasted ako du’n, kaya siguro ako napili bilang kontrabida dahil hindi mo aakalain na dalawang mukha nung mga panahon na yun,” tugon ni Princess na talagang tumatak sa manonood noon bilang si Selina Matias, ang kontrabida ni Claudine Barretto sa seryeng Mula Sa Puso .

Wala raw problema kay Princess kung hanggang ngayon ay kontrabida pa rin ang tingin sa kanya ng mga manonood, “Okay lang. Masarap sa pakiramdam na na-appreciate ng tao ang ginawa mo.”
Samantala, makakasama rin ni Princess sa pelikulang “diYOS-DIYOSAn” sina John Prats, Glaiza de Castro, Tirso Cruz III, Kiko Estrada, Cheska Diaz, Lorenzo Mara at Vaness del Moral, sa direksiyon ni Cesar Buendia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending