Horoscope, April 30, 2016 | Bandera

Horoscope, April 30, 2016

Madam Sophia |April 30,2016
facebook
share this

Horoscope, April 30, 2016

Madam Sophia - April 30, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mayo na bukas! Siguradong magtutuloy-tuloy na ang magandang kapalara at suwerte sa pag-ibig at pinansyal. Ang mahalaga pagtuntong ng buwan ng Mayo lagi kang magsuot ng kulay na red at laging amoy bagong paligo. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Bukod sa red buenas din ang violet.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa panahon ngayon, makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig yayain ang kasuyo sa isang swimming sa tabing-dagat upang muling uminit ang inyong relasyon at pagiibigan. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Buwan ng Mayo na bukas! Upang suwertehin sa pag-ibig at materyal na bagay, sa unang patak ng ulan sa Mayo, maligo ka. Sa ganyang paraan, bubuhos ang suwerte ang magagandang kapalaran. Mapalad ang 7, 18, 29, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel”. Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Kapag muling bumuhos ang ulan, magtanim ng gulay sa likod bahay. Gaganda na ang kapaligiran, mayroon ka pang maaani. Sa pag-ibig, kung bubuhos ang unang ulan sa buwan ng Mayo sabay kayong maligo ng iyong kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 32, 34, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ngayon pa lang mamili ka na ng mga gamit para sa nalalapit na pasukan. Sa ganyang paraan, hindi ka gagahulin sa oras at mas makakatipid ka pa. Sa pag-ibig, sa maagang pagsha-shopping wag kakalimutang ibili ang kasuyo ng kulay green na t-shirt. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Apple green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Isang Aries ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang kikiliti sa iyong damdamin, mas nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 8, 10, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Yellow at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bilis ang susi upang yumaman! Wag kukupad-kupad, upang hindi ka maunahan ng iyong mga ka-kumpetensya. Sa pag-ibig, positibo ang magaganap kung magtapat ka agad ng pag-ibig sa iyong minamahal. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Iwasang pagmayabangan ang kasuyo lalo na’t gagawin mo ang isang bagay na hindi mo naman kaya – relaks ka lang lagi sa romansa. Sa pinansyal hindi dapat gumastos ng malaking halaga para lamang makasama ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong wag na lang umangal, sa halip tanggap lang ng tanggap ang dapat. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na sa panahon ngayon mas mahalaga pa rin ang salapi kaysa sa prinsipyo. Mapalad ang 2, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa darating na Flores de Mayo, habang nagpo-prosisyon makikilala mo na siya – isang Aries na noon pa sa iyo humahanga. Ikaw na ang gumawa ng paraan, upang lubusang mabuo ang isang matimyas at wagas na relasyon. Mapalad ang 3, 12, 18, 27, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-Adonai-Shaddai.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Lupa at ani mula sa lupa ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Pagpasok na pagpasok ng buwan ng Mayo mag-invest sa mga kalakal na may kaugnayan sa agrikultura upang tuloy-tuloy kang umasenso at sumagana. sa pag-ibig, wag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Mapalad ang 6, 9, 18, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ngayong katapusan ng buwan, uwian ang kasuyo ng pagkaing matamis, malamig at madaling matunaw. Sa pinansyal, makihalubilo sa lipunan, sa isang political gathering may malaking halagang matatanggap. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Brown at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Muling patatagin ang gumegewang na relasyon! Balikan ang mga lugar na una nyong “pinag-date(tan)”. Sa pinansiyal, tandaang higit na mas mahalaga ang isang tunay at wagas na pag-ibig kaysa sa limpak-limpak na salapi. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending