Epy pinatunayan kay Grace ang pagmamahal ni FPJ kay Pidol | Bandera

Epy pinatunayan kay Grace ang pagmamahal ni FPJ kay Pidol

Ervin Santiago |April 30,2016
facebook
share this

Epy pinatunayan kay Grace ang pagmamahal ni FPJ kay Pidol

Ervin Santiago - April 30, 2016 - 03:00 AM

Epy Quizon at Grace Poe

Epy Quizon at Grace Poe

KUNG gaano kamahal ng King of Comedy na si Dolphy ang nag-iisang Da King Fernando Poe Jr., ganito rin ang ipinapakitang pagmamahal ni Epy Quizon kay Sen. Grace Poe.Kamakailan ay nag-host pa si Epy sa isang political rally ni Grace at ng mga kandidato ng Partido Galing at Puso.

“Alam naman natin kung gaano kamahal ng tatay ko si Fernando Poe. At dahil diyan, mahal na mahal ko rin ang mga Poe,” sey ni Epy sa isang video. Dugtong pa nito, “Basta Poe, siguradong tapat ang ‘Poe-so.’ Kaya si Ate Grace ang pangulo ko. I love you Ate Grace,” dagdag pa ng magaling na aktor.

Si Epy ang bida sa pinag-uusapang Singaporean film na “Unlucky Plaza”, na kuwento ng isang Pinoy sa Singapore na nang-hostage ng ilang residente roon dahil sa sobrang depresyon.

Noong nakaraang taon, nanalo pa si Epy ng best actor sa International Film Festival Manhattan sa New York City para sa kaniyang performance sa naturang pelikula na tungkol sa isang restaurant owner na naging hostage-taker dahil sa problema sa pera.Ipinalabas ang pelikula sa Pilipinas noong nakaraang linggo, dalawang taon matapos itong i-release sa Singapore.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending