Ex-Chief Justice Renato Corona pumanaw na | Bandera

Ex-Chief Justice Renato Corona pumanaw na

, |April 29,2016
facebook
share this

Ex-Chief Justice Renato Corona pumanaw na

- , April 29, 2016 - 10:37 AM

PUMANAW na si dating Chief Justice Renato Corona, ito ang kinumpirma ng Supreme Court Public Information Office (SC PIO) ngayong Biyernes.

Ayon sa SC PIO, ang pamilya ni Corona ang nagsabi sa kanila sa pagpanaw ng dating Punong Mahistrado.

Iniutos naman ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na lahat ng watawat sa bawat korte sa bansa ay ilagay sa half-mast bilang pagluluksa sa pagpanaw ng dating lider ng Kataas-taasang Hukuman.

Ayon sa pamilya, binawian ng buhay si Corona ala 1:48 ng madaling araw ng Biyernes, Abril 29.

Hinihiling ng pamilya ang panalangin.

Si Corona ay nagsilbing Punong Mahistrado simula Mayo 17, 2010 hanggang May 29, 2012.  Siya ang ika-23 na Chief Justice ng bansa.

Ang kanyang pagkakaupo ay naging kontrobersyal matapos siyang i-appoint ni dating Pangulong Arroyo sa kalagitnaan ng appointment ban o isang buwan bago siya umalis sa kanyang pwesto bilang presidente.

Hindi ito tinanggap ni Pangulong Aquino at sa araw ng kanyang panunumpa bilang kapalit ni Arroyo, hindi si Corona ang nagpanumpa sa kanya.  Pinili ni Aquino na manumpa sa dating Supreme Court Associate Justice, na ngayon ay Ombudsman na si Conchita Carpio-Morales.

Si Corona ang kauna-unahang Chief Justice na sinibak sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending