Marian: Kahit mahirap magbuntis, gusto ko pa rin magkaroon ng maraming anak! | Bandera

Marian: Kahit mahirap magbuntis, gusto ko pa rin magkaroon ng maraming anak!

Ervin Santiago |April 29,2016
facebook
share this

Marian: Kahit mahirap magbuntis, gusto ko pa rin magkaroon ng maraming anak!

Ervin Santiago - April 29, 2016 - 03:00 AM

BOOBAY AT MARIAN RIVERA

BOOBAY AT MARIAN RIVERA

FEELING blessed ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera dahil sa pagkakaroon ng mabuti, mabait at responsableng asawa, at idagdag pa ang pagdating sa buhay nila ng super cute na si Baby Zia.

Ayon kay Marian, napakabuti talaga ng Diyos sa kanya dahil wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang buhay – meron siyang happy family life at patuloy pa rin ang kanyang showbiz career kahit na nga nawala siya ng ilang buwan nang ipagbuntis at ipanganak niya ang panganay nila ni Dingdong Dantes.

At dahil enjoy na enjoy si Marian bilang mommy, desidido pa rin siyang magkaroon ng maraming anak.

Talagang gusto raw niya ang malaking pamilya para masaya.

“Ang pagiging isang ina ay priceless talaga. Talagang sabi ko nga, mahirap man mabuntis at mag-labor, pero kapag nakita mo ang resulta, sasabihin mo, ‘Lord, sana, bigyan mo pa ako.’

“Kasi, paggising ko sa umaga, makikita ko ‘yung asawa ko, ang guwapo. Pagtingin mo sa kabila, ay ‘yung anak ko, napaka-bubbly din. Umaga pa lang, palaging naka-smile kaya ang sarap, ang ganda ng aura, sabi ko nga, napakabait sa akin ng Diyos para ipa-experience ito sa akin.

“At para sa akin, ito ang totoong buhay. Siyempre, ang trabaho eh hinahangad ko rin pero pag-uwi ko ng bahay, ‘yun ‘yung nilu-look forward ko na makikita ko ‘yung anak ko saka ‘yung asawa ko. Yun talaga, parang walang katumbas, eh. Masaya, masarap sa pakiramdam,” mahabang pahayag pa ni Marian sa presscon ng kanyang bagong morning show sa GMA 7, ang Yan Ang Morning kung saan makakasama niya ang kanyang gay BFF na si Boobay.

Sa ngayon, pinaplano na raw nila ni Dingdong ang paggawa ng kanilang next baby.

Samantala, super excited na nga si Marian sa kanyang morning show sa Kapuso network na magsisimula na sa darating na May 2, mula Lunes hanggang Biyernes, 10:45 a.m. sa direksyon ni Louie Ignacio.

In fairness, sa napanood naming trailer ng Yan Ang Morning at mukhang panalung-panalo rito ang mga mommy at ang mga nangangarap pa lang maging nanay. Napakaraming segments sa show na siguradong mag-eenjoy ang viewers, lalo na ang mga gustong matutong magluto at magpaseksi tulad ni Yanyan na kahit mommy na ay super hot pa rin ng body.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending