PNoy inutusan sina Dingdong at Ogie na wag ikampanya si Grace? | Bandera

PNoy inutusan sina Dingdong at Ogie na wag ikampanya si Grace?

Ambet Nabus |April 29,2016
facebook
share this

PNoy inutusan sina Dingdong at Ogie na wag ikampanya si Grace?

Ambet Nabus - April 29, 2016 - 03:00 AM

NOYNOY AQUINO, DINGDONG DANTES AT OGIE ALCASID

NOYNOY AQUINO, DINGDONG DANTES AT OGIE ALCASID

MARAMI ring netizens ang nagtatanong kung totoo bang pinagsabihan o inutusan ni Pangulong Noynoy Aquino sina Dingdong Dantes at Ogie Alcasid na mangampanya pa ng hayagan for Sen. Grace Poe?

Ang alam namin ay openly campaigning na for Leni Robredo si Dingdong at si Ogie naman ay wala kaming nababalitaan maliban nga sa noo’y sinabi ng asawa nitong si Regine Velasquez na wala silang ie-endorse mula sa Liberal Party ni P-Noy.

Hindi ba’t na-bash pa nga nang bonggang-bongga ang Asia’s Songbird nang ibandera nito sa kanyang social media account at sa isang panayam na hinding-hindi niya susuportahan ang kandidatura ni Mar Roxas? Ibig sabihin talagang hindi nila type ang manok ng Pangulong Noynoy.

Pero mas sigurado kaming tawag nang tawag si Leni Robredo sa mahal naming governor ng Albay na si Joey Salceda simula nang mag-anunsyo ang huli ng kanyang suporta kay Grace Poe.

Kaya naman ang tsika, kung natuloy nga, personal na tumungo kahapon sa Albay at lilibot sa ibang bahagi ng Bicol sina Grace kasama si Coco Martin na hayagan ding nagsabi na ni singkong duling ay never tumanggap sa presidentiable para sa kanyang suporta.

Dahil diyan, susunod din daw ang mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista para magsilbi namang mga bisita sa gaganaping finals night ng Search for Daragang Magayon sa April 29.

And yes, balitang lulusob rin doon sina Leni Robredo kasama naman si Enchong Dee. Hindi lang kami sure kung totoo ang tsismis na manunuyo din daw doon si Kris Aquino?

O, di ba at kakaiba nga ang mga ganap sa nalalabing ilang araw bago maghalalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending