James Reid botong-boto kay Nadine Lustre bilang bagong Darna | Bandera

James Reid botong-boto kay Nadine Lustre bilang bagong Darna

Ambet Nabus |April 29,2016
facebook
share this

James Reid botong-boto kay Nadine Lustre bilang bagong Darna

Ambet Nabus - April 29, 2016 - 03:00 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NAPANOOD namin ang interview ni James Reid sa late night show ni Kuya Boy Abunda recently.

Sayang at hindi naitanong ng magaling naming kuya-kumpare ang mangyayaring banggaan sa takilya ng pelikula ng JaDine at ng movie nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado on May 4.

Napakamaginoo ng guwapong aktor at sinabi nitong nagtitiwala siya sa fans and supporters nila ni Nadine Lustre na susuportahan ng mga ito ang “This Time”.

Aniya pa, ang pinakamatapang daw na bagay na ginawa niya sa buong buhay niya ay ang sabihan ng “I love you” si Nadine sa harap ng napakaraming tao na nasa Araneta Coliseum during their first major concert.

Lahat daw ng nakikita niya sa kabuuan ng katauhan ni Nadine ay gustong-gusto niya at naniniwala siyang bagay ding maging Darna ang kanyang GF.

Kahit “depende” ang naging sagot nito kung magseselos o pagbabawalang magsuot ng short-shorts si Nadine, kitang-kita sa aktor ang pagiging protective nito. Feeling namin, seloso rin si James pero ayaw lang niyang ibandera sa publiko.

Hay, nakakakilig panoorin ang naturang interview, pero hindi talaga mawala sa aming isipan ang tapatang magaganap come May 4. Pero sana parehong tumabo sa takilya ang “This Time” ng Viva Films at “Just The 3 Of Us” ng Star Cinema.

Mismong ang direktor ng “This Time” na si Nuel Nuval ay gulat at nagtataka kung bakit ang matatawag na parehong mga Kapamilya artists ay magsasabong sa iisang playdate?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending