Sarah naghahanda nang maging asawa ni Matteo; inaaral na ang gawaing-bahay | Bandera

Sarah naghahanda nang maging asawa ni Matteo; inaaral na ang gawaing-bahay

Ambet Nabus |April 29,2016
facebook
share this

Sarah naghahanda nang maging asawa ni Matteo; inaaral na ang gawaing-bahay

Ambet Nabus - April 29, 2016 - 03:00 AM

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

HMMMMM, gaano kaya katotoo kapatid na Ervin ang tsikang bisi-bisihan daw ngayon sa kanyang one-on-one “tutorials” si Sarah Geronimo.

Ito’y may kinalaman nga umano sa pagluluto, pagde-decorate at iba pang mga gawaing bahay.

Ang tsika pa, para ngang nag-aaral sa iskul ang Pop Royalty na napakatiyaga at talagang determinadong matuto.

Kaya naman ang tanong namin, meron na nga kaya talagang pinaghahandaan si Sarah sa kayang future na noong huli naming mapanood sa ASAP doing a group production number with Angeline Quinto, Jona and Klarisse de Guzman ay tunay namang lutang na lutang ang inspired na boses with her signature sexy look and moves.

Ito na nga kaya ang sign na malapit nang lumagay sa tahimik ang Pop Princess at tuluyan nang bumuo ng sariling pamilya kasama ang kanyang ever loyal boyfriend na si Matteo Guidicelli?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending