Female star sobrang damot, personal driver ginugutom | Bandera

Female star sobrang damot, personal driver ginugutom

Cristy Fermin |April 29,2016
facebook
share this

Female star sobrang damot, personal driver ginugutom

Cristy Fermin - April 29, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

PINAGKUKUWENTUHAN ng mga piloto ng mga artista ang ugali ng mga dati nilang pinagserbisyuhan.

Iba-iba ang kuwento, may makataong personalidad, meron namang super-deadma sa kanilang mga staff.

May female personality na kain nang kain sa kanyang van, tumatakam-takam pa at talagang sarap na sarap sa kakakain, pero ang kanyang driver at alalay na nakaupo sa harapan ay hindi man lang niya maalok ng lafang kahit pabalat-bunga lang.

Kuwento ng source, “Maramot ang babaeng ‘yun! Talagang hindi siya palabigay, kahit ang mga kasama niya, e, taglunok lang habang kumakain siya nang wagas!

“Mahilig pa naman siyang kumain sa sasakyan, kahit matindi ang traffic, e, hindi siya umiidlip, mas gusto niyang nguya nang nguya na parang kambing habang bumibiyahe sila.

“Kahit mag-alok man lang sana siya, di ba? Pero wala siyang ganu’n, basta lalafang siya nang lalafang nang walang humpay nang hindi man lang nag-aalok sa mga kasamahan niya!

“Ang kaya lang niyang i-share, e, ang mga mugmog na, ‘yung maliliit na piraso ng kinakain niyang junk food, ‘yun lang, dahil hindi na niya gusto ang ganu’n!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Inirereklamo rin ng kanyang dating driver ang babaeng personalidad sa sobrang kaartehan at kahigpitan. Nakakaloka ang kuwento.

“Pagkababa ng mga gamit niya sa van, e, kailangang hindi na bumalik sa sasakyan ang driver niya, sa labas na lang kailangang maghintay ang driver habang nagtatrabaho siya, kesehodang umuulan pa o matindi ang sikat ng araw.

“Bradly Guevarra, isa lang ang masasabi mo kapag nalaman mo kung sino ang female personality na itey. Hindi na nga siya kagandahan, e, ganyan pa ang ugali niya,” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending