Kim, Xian malalim ang akting sa The Story Of Us | Bandera

Kim, Xian malalim ang akting sa The Story Of Us

Ervin Santiago |April 09,2016
facebook
share this

Kim, Xian malalim ang akting sa The Story Of Us

Ervin Santiago - April 09, 2016 - 03:00 AM

XIAN LIM AT KIM CHIU

XIAN LIM AT KIM CHIU

PASOK sa Top 5 most watched primetime shows sa bansa ang seryeng The Story Of Us nina Kim Chiu at Xian Lim na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.

Sa latest survey ng Kantar-Media/TNS nakakuha ang The Story Of Us ng 21.1% nitong nakaraang Miyerkules, isa sa pinakamataas na rating na nakuha ng serye simula nang umere ito ilang linggo na ang nakararaan.

In fairness, mas dumami pa ang nanonood sa serye mula nang magkasama muli sina Tin at Macoy (Kim at Xian) sa Amerika. Medyo nakakalungkot nga lang ang kuwento ngayon dahil parang inilalayo na ni Tin ang kanyang loob kay Macoy kahit na halatang in love na in love pa rin siya sa binata.

Gusto ko ring palakpakan ang dalawa dahil sa napakagaling nilang akting sa serye, malakas ang laban nila sa susunod na awards season bilang best actor at best actress.

Abangan kung anu-ano ang gagawing hakbang ni Macoy para manumbalik ang matamis na pagmamahalan nila ni Tin. Tutukan din ang mga bagong karakter na papasok sa serye na makaka-encounter nina Tin at Macoy. Napapanood ang The Story Of Us pagkatapos ng Dolce Amore sa Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending