YouTube star bagong admirer ni Coco sa Ang Probinsyano | Bandera

YouTube star bagong admirer ni Coco sa Ang Probinsyano

Ervin Santiago |April 07,2016
facebook
share this

YouTube star bagong admirer ni Coco sa Ang Probinsyano

Ervin Santiago - April 07, 2016 - 02:00 AM

coco martin

Tuwang-tuwa ang mga manonood sa bagong karakter na ipinakilala nu’ng Lunes Martes ng gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano – si Makmak na ginagampanan ng internet sensation na si McNeal Briguela.

Nakilala si McNeal bilang si “Aura” na sumikat sa mga nakakaloka niyang video sa social media. Una siyang lumabas sa Ang Probinsyano bilang batang nambu-bully kay Onyok (Simon Pineda) sa iskul.

Sa gitna ng maaaksiyong eksena ni Cardo (Coco Martin) laban sa mga miyembro ng riding-in-tandem, agaw-eksena naman si Makmak na may secret crush kay Cardo. Talagang aliw na aliw ang mga viewers sa eksenang kinilig ang batang beki nang akbayan siya ni Cardo.

Patuloy na humahataw sa ratings game ang Primetime Bida series ni Coco sa ABS-CBN kaya naman mas lalo pang ginaganahan ang aktor at ang buong production sa pagpapaganda ng kanilang programa.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano ang nananatiling nasa number one spot sa Top 10 most watched programs sa bansa with 41.2% base sa latest survey ng Kantar/Media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending