P59.7M nakuha ng bodegero | Bandera

P59.7M nakuha ng bodegero

Leifbilly Begas |April 03,2016
facebook
share this

P59.7M nakuha ng bodegero

Leifbilly Begas - April 03, 2016 - 04:40 PM

lotto for site
Isang bodegero ang nanalo ng P59.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola noong Marso 14.
Pumunta na sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo.
Ang nanalo ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 14-10-9-12-28-23. Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang itinaya ng manalo.
Siya ay 43-taong gulang, may-asawa at dalawang anak. Siya ay mula sa Batangas.
Kinuha niya ang mga tinamaan numero sa kaarawan ng kanyang pamilya. Noong 1995 pa umano siya tumataya sa lotto.
Plano ng nanalo na bumili ng bagong bahay at lupa, sasakyan at motorsiklo. Magnenegosyo rin siya at magtatabi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending