Luis hindi nawawalan ng pag-asa sa lovelife: Alam kong darating din yan!

By Reggee Bonoan March 30,2016
share this

Luis hindi nawawalan ng pag-asa sa lovelife: Alam kong darating din yan!

By Reggee Bonoan March 30,2016
share this

luis manzano

BALIK-GAME show si Luis Manzano sa Abril 9, Sabado para sa Family Feud na matagal nang nai-tape. Mapapanood ang nasabing programa tuwing weekend lang kumpara sa Deal or No Deal na araw-araw.

Base sa panayam ni Mario Dumaual ng TV Patrol kay Luis ay excited siya sa bagong game show na iho-host niya dahil pampamilya ito at hindi na isa-isa ang manlalaro Sabi nga ni Luis, “Kung nasanay kayo sa ibang game show na isa-isang naglalaro, ito pamilya laban sa ibang pamilya.

Kilala natin ang ABS-CBN kapag pinag-uusapan ang mga best game shows in the industry. “Masaya ang trabaho ko. Kahit ako nagulat na masaya ang Family Feud. After every taping, it leaves a smile on my face dahil sa mga kakaibang sagot na ibinibigay nila at mga kakaibang reaksyon.

Magugulat kayo sa mga tanong at sa mga sagot,” pahayag pa ni Luis. Samantala, hindi maiwasang hindi tanungin si Luis tungkol sa kanyang lovelife, alam naman ng lahat na single ngayon ang TV host-actor matapos silang maghiwalay ni Angel Locsin.

“Sabi ko nga, ang daming nangyayaring maganda para magkaroon ng micronutrient deficiency sa puso. You’re given one shot at it. Why not lovelife?” ang sagot ng binata. At hindi naman daw nawawalan ng pag-asa ang TV host pagdating sa pag-ibig, naniniwala pa rin siya na may nakalaang babae para sa kanya.

“There’s always hope sa mga buhay natin. It’s very unfair to live life without any hope in any aspect of your life whether be love or career. With life comes hope, with hope comes love. “Dadating din ‘yun in God’s perfect time. Kahit ano pa iyon, dadating at dadating din naman,” pahayag ni Luis.

Oo nga, matagal nang naghihintay ng mga apo si Gov. Vilma Santos-Recto kay Luis. Akala nga ng Star For All Seasons kay Angel na siya magkakaapo, pero napurnada na naman.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending