Litrato ni Heart na may hawak na latigo kasama si Dennis ikinaloka ng fans | Bandera

Litrato ni Heart na may hawak na latigo kasama si Dennis ikinaloka ng fans

Ervin Santiago |March 28,2016
facebook
share this

Litrato ni Heart na may hawak na latigo kasama si Dennis ikinaloka ng fans

Ervin Santiago - March 28, 2016 - 02:00 AM

dennis trillo

Marami nang excited sa pagsisimula ng teleserye nina Dennis Trillo at Heart Evangelista na Juan Happy Love Story sa GMA. Dahil bago at intriguing ang tema nito, looking forward na ang fans at supporters ng tambalang DenHeart sa magiging takbo ng kwento kung saan mag-asawa ang roles ng dalawang Kapuso stars bilang sina Juan at Happy.

Masipag ding mag-post ang Kapuso actress ng photos tuwing taping kaya naman lalong nae-excite ang kanyang followers sa pilot airing ng programa. Isa na nga rito ang litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan may hawak siyang latigo at si Dennis naman ay nakaupo at parang kinakabahan.

“Ano Kaya ang eksenang eto?! SOON on #juanhappylovestory,” ang caption ni Heart sa picture. Isa na kaya ito sa sinasabing sexy at naughty scenes ng bagong Kapuso sexy serye? Samantala, bilib na bilib naman si Sen. Chiz Escudero sa kanyang misis dahil kahit busy na sa kanyang serye ay wala pa rin itong kapaguran sa pag-iikot para ikampanya siya.

Nahihiya nga rin daw ang senador dahil pati ang pamilya at mga kaibigan ni Heart ay sumasama sa campaign sorties nila ni Sen. Grace Poe. Ka-join ni Heart recently sa Iloilo ang sister niyang si Cam Ongpauco at ang kaibigang designer na si Mark Bumgarner with some other close friends.

Sey ni Heart, ginagawa niya ito hindi lang para sa kanyang asawa kundi para sa mga taong naniniwala sa pagbabago. In fairness, star na star lagi si Heart sa kanyang radio hop at palengke tour. Tinatawag na nga raw siya ng ilang followers niya sa social media na Palengke Queen.

Samantala, nitong nagdaang Semana Santa umuwi sa kanyang hometown si Sen. Chiz kasama si Heart at ang kambal ng senador na sina Chesi at Quino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending