8 oras na pelikula nina Piolo at John Lloyd nakikipagbakbakan kina Batman at Superman | Bandera

8 oras na pelikula nina Piolo at John Lloyd nakikipagbakbakan kina Batman at Superman

Reggee Bonoan |March 28,2016
facebook
share this

8 oras na pelikula nina Piolo at John Lloyd nakikipagbakbakan kina Batman at Superman

Reggee Bonoan - March 28, 2016 - 02:00 AM

john lloyd cruz

DALAWANG pelikula ang nagbukas noong Sabado de Gloria, ang “Batman vs Superman Dawn of Justice” at ang “Hele Sa Hiwagang Hapis” na balitang parehong blockbuster sa ta-kilya.

Nakatutuwa na hindi nagpatalo ang “Hele Sa Hiwagang Hapis” sa “Batman vs Superman” dahil sa 10 sinehan daw kung saan pa-labas ang obra maestra ni Lav Diaz ay soldout lahat ang tiket kesehodang mas mahal ang presyo nito kumpara sa pelikula nina Ben Affleck (Batman) at Henry Cavill (Superman) at isama pa si Gal Gadot bilang si Wonder Woman.

Nakapanghihinayang na 10 sinehan lang ang nag-commit sa Star Cinema at Ten17 Productions dahil nga siguro naisip ng theater owners na mas malaki ang kikitain nila sa “Batman vs Superman” na totoo rin naman.

Well, business is business ika nga kaya sa mga nakapanood ng “Hele Sa Hiwagang Hapis” na magaganda ang reviews ay ma-ging word of mouth sana ito para naman may theater owners na tanggapin ang challenge nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz na bida sa “Hele”.

Anyway, grabe nga ang “Batman vs Superman,” lahat ng screenings sa Eastwood Mall at Eastwood City 2 ay pawang soldout mula tanghali hanggang last full show. Ganito rin ang nangyari sa ibang sinehan kung saan palabas ang nasabing pelikula.

Kaya naman mega-trapik papasok sa lahat ng malls at pila rin sa parking lots noong Sabado. Maglalaan naman kami ng libreng araw namin para mapanood ang 8-hour movie ni Lav Diaz at gusto ko ring i-review ang Philippine Constitution natin para kahit paano ay maka-relate tayo. Ha-hahaha! Sama ka sa amin bossing Ervin, ha! (OK, sige! Go! Ipaglaban ang pelikulang Pilipino! — Ed).

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending