True ba, Paolo Ballesteros suspendido sa Eat Bulaga? | Bandera

True ba, Paolo Ballesteros suspendido sa Eat Bulaga?

Ervin Santiago |March 15,2016
facebook
share this

True ba, Paolo Ballesteros suspendido sa Eat Bulaga?

Ervin Santiago - March 15, 2016 - 05:51 PM

TOTOO kaya ang chika na suspendido si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga simula pa noong Biyernes? Ito kasi ang usap-usapan sa social media matapos mapansin ng ilang viewers na hindi na nila napapanood si Paolo sa noontime show ng GMA 7 mula pa noong March 11. Hanggang kaninang tanghali ay wala pa rin ang TV host-actor kaya mas umingay ang tsismis tungkol sa pagsuspindi sa kanya. Paniwala ng ilang netizens at mga blogger, posibleng nag-ugat ang diumano’y suspension order kay Paolo matapos itong mag-post ng series of messages (status) sa kanyang Facebook account na may kinalaman sa isang hosting job na ibinigay sa kanya. Galit na galit ang TV host dahil wala raw nag-asikaso sa kanya during the event. Narito ang diumano’y magkakasunod na FB post ni Paolo na nailathala na rin ngayong araw sa BANDERA: “UHM EXCUSE ME MGA MAGAGALING NA PRODUCTION, ANDITO NA HO ANG MGA MAIN HOSTS NINYO SA HOTEL. WALA MAN LANG TAO DITO NA MAGAASIKASO SAMEN AT KAME PA MISMONG MGA MAIN HOSTS ANG MAGAAYOS NG KWARTO NAMEN? HINIHINGAN PA KAMI NG ID NG HOTEL.” “Ah baka po gusto nyo na pong mag-reply or magpapunta po ng tao dito sa hotel po para sabihan kame po kung ano po ang mangyayare po. 30 minutes nyo na po na-READ yung text ko.” “Akalin mo yon??? Isang oras at kalahati na kame nakahiga sa room namen? Hanggang ngayon wala pa reng nagsasabe samen kung anong oras at anong mga kaganapan??? Nakapagrant nako nyan dito sa fb ha! Waw. Titigas ng mga mukha nyo ha Liza Marcelo Lazatin.” “Sa mga bumubuo ng production ng pesteng event na to, hindi ko alam kung sino sino kayo dahil si Liza Marcelo Lazatin lang naman ang nagtetext saken nung una, im sure lahat kayo may FB at mababasa nyo to kaya dito ko na lang sasabihin.” “E total hanggang ngayon wala pa ring nagsasabe sa amen kung anong magaganap, pati mga makeup artist namen at wardrobe andito na sa room lahat kame CLUELESS, at wala atang may alam sa inyo kung ano ang magaganap, oorder nako ng redhorse at iinom nalang ako sa kwarto ko ok. Wag nyo kong IISTORBOHIN. Bow. Shot na.” Nabatid na ang event na dapat sana’y iho-host ni Paolo ay ang Ad Summit Pilipinas 2016 na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone noong March 9 to 12. Ayon sa ulat, ang TAPE Inc. daw na producer ng Eat Bulaga ang nagsilbing sponsor sa March 10 dinner ng Ad Summit. Present doon ang ilang hosts ng Eat Bulaga sa pangunguna nina Vic Sotto, Wally Bayola, Jose Manalo, Pauleen Luna, Allan K, Pia Guanio, Anjo Yllana Ruby Rodriguez at Ryzza Mae Dizon. Absent that night si Paolo. Sa pamamagitan ng text message, tinanong ng BANDERA si Ms. Malou Choa Fagar ng TAPE kung may official statement ang EB family tungkol dito, ang naging tugon ni Ms. Malou, “It is an internal matter and like all other internal matters, it is our company’s policy not to discuss it in public.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending