Paolo Ballesteros galit na galit: Ang titigas ng mga mukha n’yo!!! | Bandera

Paolo Ballesteros galit na galit: Ang titigas ng mga mukha n’yo!!!

Alex Brosas |March 15,2016
facebook
share this

Paolo Ballesteros galit na galit: Ang titigas ng mga mukha n’yo!!!

Alex Brosas - March 15, 2016 - 02:00 AM

paolo balesteros

Imbiyernang-imbiyerna si Paolo Ballesteros sa kanyang recent gig. Para kasing hindi sila inintindi gayong isa siya sa main hosts ng affair. Sa Facebook ay nag-rant si Paolo. Talagang halos umusok ang bunganga niya sa pagtungyaw sa organizers ng event.

“Akalain mo yon??? Isang oras at kalahati na kame nakatanga sa room namen? Hanggang ngayon wala pa reng nagsasabe samen kung anong oras at anong mga kaganapan??? Nakapagrant nako nyan dito sa FB ha! Waw.

Titigas ng mga mukha nyo ha Liza Marcelo Lazatin,” he initially posted. “Ah baka po gusto nyo na pong magreply or magpapunta po ng tao dito sa hotel po para sabihan kame po kung ano po ang mangyayare po. 30 minutes nyo na po na-READ yung text ko po.

Liza Marcelo Lazatin,” follow-up niya. “Sa mga bumubuo ng production ng pesteng event na to, hindi ko alam kung sino sino kayo dahil si Liza Marcelo Lazatin lang naman ang nagtetext saken nung una, im sure lahat kayo may FB at mababasa nyo to kaya dito ko na lang sasabihin.

“E tutal hanggang ngayon wala paring nagsasabe saamen kung anong mga magaganap, pati mga makeup artist namen at wardrobe andito na sa room lahat kame CLUELESS, at wala atang may alam sainyo kung ano ang magaganap, oorder nako ng redhorse at iinom nalang ako sa kwarto ko ok.

Wag nyokong IISTORBOHIN. Bow. Shot na,” say niya later. Ewan kung natuloy si Paolo sa pagho-host niya sa event na ‘yon at kung paano sinolusyunan ang reklamo ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending