Heart: Wala akong balak tumakbo, OK na ako sa showbiz! | Bandera

Heart: Wala akong balak tumakbo, OK na ako sa showbiz!

Ervin Santiago |March 14,2016
facebook
share this

Heart: Wala akong balak tumakbo, OK na ako sa showbiz!

Ervin Santiago - March 14, 2016 - 02:00 AM

heart evangelista

Iniintriga ngayon ang Kapuso actress na si Heart Evangelista – kaya raw sumasama siya sa halos lahat ng kampanya ni Sen. Chiz Escudero ay dahil may pangarap din siyang pasukin ang politika.

Ngayon pa lang daw ay naghahanda na ito para sa ambisyon niyang sumabak sa public service sa pama-magitan ng pagsasalita sa campaign sorties ng kanyang asawa. Kamakailan lang ay nanggaling sa Cebu City si Heart kung saan muli siyang napasabak sa palengke tour at bumisita sa mga radio stations doon.

In fairness, maraming nagkokomento na magaling ding magsalita si Heart at malapit talaga sa masa dahil nga artista kaya hindi imposibleng maimpluwensyahan siya ni Chiz sa politics. Pero sey ng leading lady ni Dennis Trillo sa bagong serye ng GMA na Juan Happy Love Story, kuntento na siya sa pagiging artista dahil through her work, ay nakakatulong din naman siya sa mga tao at may impluwensya na rin siya kahit paano.

“Kaya ako, kung tinatanong nila sa akin, ‘gusto mo ba pumasok sa pulitika?’ ang lagi kong sinasabi, hindi kasi para sa akin ang politics, nandoon na ako sa kumbaga may position of influence na ako kung saan ako naroon ngayon,” ani Heart.

“Kumbaga, bilang artista, nakikita ka ng mga tao. Mayroon ka nang, kahit paano mga followers na sumusuporta sa mga ginagawa o. Para sa isang normal na tao, puwede ka ring tumulong sa ibang tao,” dagdag pa ni Heart.

Noong una nga raw ay talagang natakot si Heart nang magdesisyon ang kanyang mister na tumakbo bilang vice-president dahil sa maaaring malaking pagbabago sa kanilang buhay.

“Siyempre maraming adjustment pero noong nakita ko talaga yung pagmamahal niya sa bayan, parang napaka-selfish ko naman kung sabihin kong wag niyang gawin yun na parang pag tumanda na kami at nagkaroon kami ng mga anak, itatanong sa kaniya, ‘bakit hindi ka tumakbo?’, ‘bakit di mo ginawa?’

Ayaw kong sabihin niya ng dahil lang sa akin. Kaya sabi ko, ‘gawin mo na, susuportahan kita 100 percent,” pahayag pa ni Heart. Kaya naman daw todo suporta siya kay Sen. Chiz at masaya raw ang aktres dahil ganito rin ang ipinapakitang pagmamahal ng mga tagasuporta ng senador.

“Kasi pag nalaman mo at pag nakilala mo talaga siya nang husto, hindi lang sa nakikita niyo. Kaya nakakatuwa yung supporters niya kasi mahal na mahal nila si Chiz,” sabi pa ni Heart.

Kahit daw pagod na siya sa taping ng bago niyang serye sa GMA at iba pang showbiz commitments naglalaan talaga siya ng panahon para matulungan ang asawa sa pangangampanya.

Bukod daw kasi sa marami siyang napupuntahang lugar, natututunan niya ring pagyamanin ang kanyang kaalaman tungkol sa buhay ng bawat Pinoy na nakikilala niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending