Mga dapat gawin para painitin muli ang love ni misis | Bandera

Mga dapat gawin para painitin muli ang love ni misis

Pher Mendoza |March 11,2016
facebook
share this

Mga dapat gawin para painitin muli ang love ni misis

Pher Mendoza - March 11, 2016 - 03:00 AM

HELLO po manang.

Magandang araw po sa inyo at sa buong tropa. Ako po si Mark Tabique from Cagayan de Oro City, 31 years old.

Gusto ko lang po sanang ihingi nang payo sa inyo kung papaano ko po maibabalik sa dati ang nararamdaman nang misis ko sa akin. Kasi po medyo nagkakalabuan na ho kasi kami ngayon.

Ano pa po ba ang mga dapat o kailangan ko pang gawin para muling manumbalik ang pagmamahal niya sa akin? Nahihirapan na po kasi ako sa kung papaano ko pa po siya aamuhin uli.

Wala po kasi siya rito sa Pilipinas, andon po siya sa Kuwait ngayon at doon nagtatrabaho. Meron po kaming dalawang anak at nasa akin pong pangangalaga ang mga bata.

Sana po ay mapayuhan n’yo po ako kung anong dapat gawin dahil ayoko pong mawalay ang misis ko sa akin.

Mark Tabique, Cagayan de Oro City

Magandang araw sa’yo Mark ng CDO. Thank you for sharing with us your problem. Napakalaking sakripisyo sa relasyon ang magkahiwalay geographically at talaga namang napakaraming challenges ng LDR o long-distance relationship but it is possible to make it work with dedication and love.

Una ay panatilihin ninyo ang regular na komunikasyon. In this Internet age, nandyan naman ang Facebook, Skype, e-mail at chat. Walang dahilan para hindi kayo regular na makapag-usap.
Pangalawa ay maging inspirasyon ng iyong misis kahit nasa malayo s’ya, be understanding, sweet at caring.

Make her feel loved. Maging maayos din sa iyong trabaho upang makita n’yang nagsisikap ka (kung ikaw ay makakapag-provide ng maayos sa iyong pamilya nang maayos, walang dahilan para magtagal s’ya sa ibang bansa, tama?) at higit sa lahat ay alagaan mong mabuti ang mga anak ninyo.

I’m sure she will respect and appreciate you for it. Regular mo siyang balitaan sa progress ng mga ito. To be her inspiration, be positive and be her source of strength. Tandaan mo na napakahirap sa ibang bansa at ang mawalay sa mga minamahal. Make her believe in the value of love, sacrifice and hope.

Payo ng tropa:

Naku kuya Mark, isang bagay na dapat mong gawin ay maghanap ka ng trabaho na maayos at pauuwiin mo na ang misis mo mula sa abroad. Baka isa yan sa dahilan kung bakit nanlalamig na sa iyo ang iyong misis, hindi ka niya makitaan ng determinasyon para magpursige para sa inyong pamilya. Kausapin mo siyang mabuti kung ano bang nais niyang mangyari sa inyo at sa inyong pamilya?

Zenaida via Facebook

Hi Mark,

Tama si Zenaida, mahirap talaga ang malayo sa isa’t-isa, lalo na ang malayo ay si misis pa. Napakalaging sakripisyo para sa mag-asawa ang magkalayo, ang kahirapan kasi ang unang problema diba?

Kaya Mark, alam kong marami naman puwedeng pasukan na trabaho, maging positive ka lang, iba pa rin ang magkakasama at buo ang pamilya, kailangan lang siguro magtulungan kayong dalawa at panatilihin ang pagmamahalan.

Gudluck and God bless sa inyong mag-asawa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Jenny

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending